top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kuya Kim, todo-pramis na never lilipat, Kapuso na ngayon

BULGAR
Oct 1, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 1, 2021



May paglilinaw si Boy Abunda sa balitang iiwan niya ang ABS-CBN para lumipat o bumalik sa GMA Network.


Sa interview sa kanya ni Miguel Dumaual ng ABS-CBN News, inamin ni Boy na nakipag-usap siya sa ibang network, pero naghihintay siya na magkaroon ng free TV ang ABS-CBN.


“Kung walang-wala na talaga, mag-a-apply na ako sa iba. Pero sa ngayon, hindi totoo ‘yun,” sabi ni Boy.


Wala raw nangyari sa pakikipag-usap niya sa ibang network kasama ang GMA-7.


“Pero nothing happened, nothing came out of it, because it is too early in the game. Ang sinasabi ko, naghihintay ako hangga’t magkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN. Makikita mo ang pagmamahal ng marami sa ABS-CBN,” patuloy ni Boy.


Hindi maiwasang ikumpara si Kim Atienza kay Boy, lalo at may pahayag noon si Kim na hindi niya iiwan ang ABS-CBN till his last breath. May sinabi pa itong aakyatin nila ni Gretchen Fullido ang tower ng ABS-CBN ‘pag muling nagbukas, bagay na hindi na mangyayari dahil lumipat na siya sa GMA Network.


This Firday nga, ia-announce na ni Kim ang kanyang paglipat sa Kapuso Network.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Kim ng photo kayakap sina Noli de Castro at Gretchen Fullido at may caption na “no words.”


Marami ang nagpahayag ng love at suporta kay Kim. Pero, may fans na nagalit at ‘wag na raw siyang babalik sa ABS-CBN.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page