KUYA KIM, PINAPAGALITAN NG MISIS DAHIL SA PERA
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 6, 2021

Mag-iisang buwan na si Kim Atienza sa GMA-7 kaya nakatakda na raw niyang makuha ang first sahod niya this week or next week.
When asked kung ano'ng balak niyang gawin sa kanyang unang sahod, aniya ay ibibigay niya raw lahat sa misis niya.
“I give everything to my wife,” sey niya sa digital presscon ng Mars Pa More with Pars Kim Atienza kung saan nga ay latest addition si Kuya Kim.
“Whatever naman the little raket that I do on the side – malakas ako rumaket, eh – sa social media, kung saan man, I get to keep that naman for my hobbies and all that,” sey pa niya.
Pero siyempre, 'pag sumosobra rin ang gastos niya ay pinapagalitan din siya ng kanyang misis.
Samantala, magsisimula nang mapanood si Kuya Kim sa Mars Pa More simula sa Monday, November 8, 8:45 AM sa GMA-7. Of course, kasama niya pa rin ang original hosts na sina Iya Villania and Camille Prats.
Magkakaroon ng mga bagong segments ang show at abangan si Kuya Kim as he hits the road to bring viewers to exciting dining destinations, outdoor activities, and celebrity encounters in his special segment.





Comments