top of page

Kuwalipikasyon para maging Certified Public Accountant

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 9, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nagnanais akong kumuha ng pagsusuri upang maging isang Certified Public Accountant o CPA. Nais ko lamang malaman kung anu-ano ang mga kuwalipikasyon upang makakuha ng nasabing pagsusuri at anong grado ang aking dapat makamit upang maipasa ito. Salamat.

-- Ton-Ton, Jr.



Dear Ton-Ton, Jr., 


Ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga Seksyon ng 13 at 14 ng Republic Act (R.A.) No. 9298, o mas kilala sa tawag na “Philippine Accountancy Act of 2004,” kung saan nakasaad na:


Section 13. The Certified Public Accountant Examinations. - All applicants for registration for the practice of accountancy shall be required to undergo a licensure examination to be given by the Board in such places and dates as the Commission may be designate subject to compliance with the requirements prescribed by the Commission in accordance with Republic Act No. 8981.


Section 14. Qualifications of Applicant for Examinations. - Any person applying for examination shall establish the following requisites to the satisfaction of the Board that he/she:


is a Filipino citizen;

is of good moral character;

is a holder of the degree of Bachelor of Science in Accountancy conferred by the school, college, academy or institute duly recognized and/or accredited by the CHED or other authorized government offices; and

has not been convicted of any criminal offence involving moral turpitude.”


Batay sa nabanggit na batas, ang lahat ng mga aplikante para sa pagpaparehistro para sa pagsasanay ng accountancy ay kinakailangang sumailalim sa pagsusuri na ibibigay ng Professional Regulatory Board of Accountancy sa lugar at petsa na maaaring italaga ng Professional Regulation Commission (PRC) alinsunod sa Republic Act No. 8981.


Dahil dito at bilang kasagutan sa iyong katanungan, upang makakuha ng nasabing pagsusuri kinakailangan na ikaw ay: a.) Filipino citizen; b.) may mabuting moral na karakter; c.) may pinanghahawakan na degree na Bachelor of Science in Accountancy na ipinagkaloob ng paaralan, kolehiyo, akademiya o institusyon na kinikilala ng Commission on Higher Education, o iba pang awtorisadong tanggapan ng gobyerno; at d.) hindi nahatulan para sa anumang krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude.


Karagdagan dito, nakalahad sa Seksyon 16 ng nasabing batas na nararapat na makamit ang sumatotal na grado na 75 porsyento at hindi bababa sa 65 porsyento na grado kada subject, upang masabi na naipasa ang nasabing pagsusuri. Nakalahad na:


Section 16. Rating in the Licensure Examination. - To be qualified as having passed the licensure examination for accountants, a candidate must obtain a general average of seventy-five percent (75%), with no grade lower than sixty-five percent (65%) in any given subject. In the event a candidate obtains the rating of seventy-five percent (75%) and above in at least a majority of subjects as provided for in this Act, he/she shall receive a conditional credit for the subjects passed: Provided, That a candidate shall take an examination in the remaining subjects within two (2) years from preceding examination: Provided, further, That if the candidate fails to obtain at least a general average of seventy-five percent (75%) and a rating of at least sixty-five percent (65%) in each of the subjects reexamined, he/she shall be considered as failed in the entire examination.”


Ang nasabing pagsusuri ay itinalaga sapagkat kinikilala ng ating pamahalaan ang malaking papel ng mga accountant sa pag-unlad ng ating bansa. Ang mga CPA ay inaasahang magpanatili ng mataas na pamantayang propesyonal, magbigay ng dekalidad na serbisyo, at makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Ito rin ay upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan na makakuha ng serbisyo mula sa mga lehitimong certified public accountants lamang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page