Kuntodo costume pa… ANGEL AT NEIL, GINAWANG HORROR HOUSE ANG BAGONG BAHAY
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 30, 2021

Nakakatuwa ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.
Sa kanilang YouTube Channel, gumawa sila ng paraan para i-celebrate ang Halloween.
Nag-effort silang i-transform ang bago at malaki nilang house para magmukha itong horror house. Naglagay pa sila ng props sa loob at labas ng balor.
Ayon kay Angel, hindi niya naranasang mag-Halloween party. Pero si Neil, lagi raw silang nagti-trick or treat ng kanyang mga pinsan.
First time nila ni Angel na magkasamang iseselebreyt ang Halloween na Squid Game ang napili nilang tema. Naka-Squid Game costume pa silang mag-asawa.
Inimbitahan nila ang malalapit na kaibigan kung saan isa si Bubbles Paraiso sa mga dumating.
Hangang-hanga ang mga kaibigan sa ginawang set-up ng mag-asawa, gayundin ang mga netizens.
“Grabe 'yung effort kuhang-kuha SQUID GAME.”
“ANGAS NG SETUP! GRABE SA EFFORT! SANA MAG-1M SUBS NA, CONGRATS PO SA BUONG TEAM N'YO, MS. ANGEL AND SIR NEIL! GALENG!!!”
“The past years as shown in this video, parati sila nag-e-effort mag-celebrate with their friends pero sobra talagang ang ganda ng ginawa nila this time. Amazing na lang masasabi ko. They really entertain their viewers, sulit! Can't wait for the Halloween episode next week. BRING IT ON, mga idols.”
“Grabe A++++ for effort po! Ngayon ko lang super na-appreciate ‘yung Squid Game hahaha.”
“So cute to see a couple like this. 'Yung tipong sasabay sa trip ng bawat isa. Love this couple.”
“Mr. and Mrs. Arce, isa lang po masasabi ko, WOW, ANG ASTIG! Inaabangan ko talaga vlog n'yo... more blessings sa inyo para mas marami pa kayong matulungan.”
“Graveeee super effort.... Kung may competition lang dito sa YT pang-OVERALL award,
HAKOT award na kayo, Ms. Angel. Ms. Angel & Neil lang talaga D'BEST at Sakalam..
Akalain mo, kayo lang nakaisip nitong ganitong concept. Squid Games w/ a twist of Halloween.
Sabi na nga ba, eh, teaser pa lang ito.. super-duper nakaka-excite na lalo.. Ang saya-saya nito for sure, Angel&Neil unique ever..”





Comments