Kung 'yung dati, mala-hotel… BAGONG BAHAY NI KATHRYN, MALA-MALL SA LAKI

ni Julie Bonifacio - @Winner | January 07, 2022

Binisita ni Kathryn Bernardo ang napakalaki at overlooking na ipinapatayo niyang bahay.
Last year, ipinakita ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa kanyang Instagram ang binili nilang lote sa isang mataas na lugar.
Duda ng mga netizens, sa bandang Antipolo, Rizal ang lugar. Pero nilinaw ng isang netizen na sa may Katipunan, Quezon City lang ang ipinatatayong bahay ni Kathryn.
“Mukhang Antipolo. Overlooking, eh.”
“Sa QC 'yan. Same location ng studio niya.”
“Katabi lang, kapitbahay ko si Kathryn, same subdivision kami, definitely not Antipolo.”
Ay! Yayamanin din ang netizen, ha?
Sa laki ng bahay, mukha raw itong mall!
“Ang laki, parang mall."
“'Yung bahay niya ngayon, parang hotel from the outside. 'Yung new house niya, parang mall, sobrang blessed si Kathryn."
Sabeee.
Pansin naman ng ilang Marites ang mga construction workers na gumagawa ng bahay ni Kathryn.
“Grats, Kat. Mag-hard hat sana 'pag nasa construction site. Safety first."
“Na-notice ko rin 'to. May budget naman 'yung nagpapagawa, dapat may hard hat."
“True. Walang PPE ang mga workers."
Hala!





Comments