top of page

Kung tutol si PBBM sa impeachment, bakit pumirma si Rep. Sandro Marcos na ma-impeach si VP Sara?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2025
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 30, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PARA MARAMING MAKABILI NG P20/KILONG BIGAS, DAPAT LAHAT NG PALENGKE SA ‘PINAS LAGYAN NG KADIWA STORE -- Ibinida ng Dept. of Agriculture (DA) na puwede na rin daw makabili ng P20 per kilong bigas sa mga Kadiwa stores ang mga

minimum wage earners.


Sa totoo lang, ang problem diyan ay mangilan-ngilan lang ang mga Kadiwa stores sa buong bansa.


Kung gusto talaga ng Marcos administration na maraming mamamayan ang makabili ng ipinagmamalaki nilang P20/kilong bigas, dapat ang gawin nila ay lahat ng palengke sa ‘Pinas palagyan nila ng Kadiwa store, period!


XXX


PANG-UUNGGOY LANG SA PUBLIKO ANG SINABI NI PBBM NA TUTOL SIYA SA IMPEACHMENT DAHIL ANG ANAK NA SI CONG. SANDRO PUMIRMA PARA MA-IMPEACH SI VP SARA -- Maituturing na pang-uunggoy lang sa publiko ang statement ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na tutol siya sa impeachment ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Nasabi natin pang-uunggoy lang ito sa mamamayan kasi kung totoong ayaw niya, dapat hindi lumagda sa impeachment laban kay VP Sara ang anak niyang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, eh ang problem, itong anak pa niyang kongresista ang kauna-unahang pumirma para sa impeachment case ng bise presidente, boom!


XXX


MISMONG DILAWAN POLITICIAN NA SI FRANKLIN DRILON NA NAGSABING MALABONG MA-IMPEACH SI VP SARA -- Tila nga pag-aaksaya lang sa pera ng bayan at pag-aaksaya rin ng panahon ang gagawing pag-impeach kay VP Sara sa Senado na tatayong impeachment court.


Mismong ang dilawang pulitiko na si former Senate Pres. Franklin Drilon na ang nagsabi na bukod sa napakaraming senador ang anti-impeachment ay hindi rin daw puwede na ang impeachment case na isinampa sa 19th Congress ay talakayin sa 20th Congress.

Opps, hindi Duterte Diehard Supporter (DDS) si Drilon, ha, isa siyang dilawang pulitiko, nagsabi lang naman siya ng katotohanan na malabong ma-impeach si VP Sara, period!


XXX


PANAHON NI EX-P-DUTERTE NAGTAGO ANG PASAKLAANG MAY ‘SHABUHAN’ NA SI ‘JUN GINTO,’ SA PANAHON NGAYON NG MARCOS ADMIN, LUMUTANG NA NAMAN SIYA -- Noong presidente pa si ex-P-Duterte, nagtago ang magsasaklang si “Jun Ginto” ng Las Piñas City kasi alam niyang malilintikan siya dahil ang puwesto ng kanyang mga saklang-patay ay may bentahan din umano ng shabu, ‘pinag-aadik’ ang mga nagsasakla para nga naman walang tulugan ang mga nagsasakla sa kanyang mga pasaklaan.


‘Ika nga, takot ma-tokhang si "Jun Ginto" noong panahon ng Duterte admin kaya tago muna siya. Pero pagpasok ng Marcos admin at nakita niyang malamya ang kampanya nito kontra droga, kaya balik na naman siya sa kanyang raket na saklang-patay with ‘shabuhan’.


Kailan kaya ipapa-tokhang nina Southern Police District (SPD) Director, Brig. Gen. Joseph Arguelles at Las Piñas City chief of police, Col. Sandro Tafalla ang salot na si “Jun Ginto”? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page