Kung siya, mabait na stepdad daw… HIRIT NI DEREK: JOHN LLOYD, MABUTING AMA SA ANAK NILA NI ELLEN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 29, 2021

Ipinagtanggol ni Derek Ramsay si John Lloyd Cruz sa isang basher na minenos ang pagiging ama ng huli sa anak nito kay Ellen Adarna na si Elias.
Nag-post si Derek ng bonding moment nila ni Elias sa pool at sa caption ay binabati ng aktor ang bagets who just celebrated his 3rd birthday.
Sa comment section ay may netizen na pinuri ang pagiging mabait na stepdad ng aktor pero at the same time ay parang ininsulto niya si Lloydie.
“Buti na lang may stepdad tagapag-alaga sa anakshie ni JL. Good job dadz Derek... Kampay. Say thank you, Lloydie, hhha,” ang komento ng netizen.
Sinagot naman agad ito ni Derek at ipinagtanggol si Lloydie.
“Bro, that's not nice. JL is a good father to Elias,” ani Derek.
Samantala, parehong Spider Man-themed party ang magkahiwalay na ibinigay nina John Lloyd at Ellen para sa 3rd birthday ng kanilang anak na si Elias.





Comments