top of page

Kung si VP Sara may confi fund, mga local exec. meron din!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | May 8, 2025



Bistado ni Ka Ambo


Hindi lang pala si VP Sara ang may confidential fund kundi maging ang mga local executives tulad sa Makati City.


Walang masama sa confidential funds pero ito ay dapat nagagamit sa mabuti at nararamdaman ng mga residente ang positibong resulta.


----$$$--


HALIMBAWA, kung ang confidential fund ay ginagamit kontra sa kriminalidad, dapat ay hindi tataas ang bilang ng mga kidnapping, robbery at iba pang street crimes.

Sa linyang iyan, mabuti ang confidential funds.


----$$$--


SA Makati City, nais ng mga residente na ipaliwanag ni Mayor Abby Binay kung paano rin ginastos ang sinasabing P240 milyon confidential funds.

Bakit imbes na tumahimik ay dumami ang bilang ng krimen sa Makati?


----$$$--


SINASABING noong 2022 at 2023, nakapaglaan ang Makati City Council ng halagang P240 milyon kada taon para sa confidential funds na maaaring gamitin sa peace and order programs (POPs).

Ito ay upang masugpo ang kriminalidad pero nagkaroon ng sharp increase sa insidente ng krimen.


----$$$--


UMAAPELA ang mga residente ng Salcedo Village kay Binay na tugunan ang tumataas na bilang ng kriminalidad sa kanilang komunidad.

Marami nang naitala na kaso ng snatching, hold-ups at kahit kidnapping incidents.


---$$$--


NOONG Linggo ng gabi, Mayo 4, 2025, pinasok ng tatlong armadong kalalakihan ang Izakaya Kojiro sa Pasay Road, Makati City na nakakulimbat ng pera, alahas at cellphone base sa kumalat na video sa social media.

Sana ay maresolba ang krimen sa Makati City.


----$$$--


INIULAT na sa pinakahuling audit report ng COA, natuklasan na top spender ang Makati sa 17 local chief executives sa Metro Manila na umabot sa magkasanib na P480 milyon ang ginastos sa POPs sa dalawang magkasunod na taon, 2022 at 2023.

Nakita rin umano sa COA audit report na gumastos naman ng P120 milyon ang Lungsod ng Maynila nitong 2022 at 2023 na kahit pangalawa sa pinakamayamang lungsod.


----$$$--


PUMANGATLO ang Quezon City na umabot lamang sa P100 milyon ang ginamit sa confidential funds.

Kahit ito ang may pinakamalaking land area at populasyon at pinakamayaman na may P448.51 bilyon total.


----$$$--


NAPAKAHALAGA na maiulat o maging transparent ang mga ehekutibo ng gobyerno sa paggastos ng pondo ng bayan.


Sa panahon ng digital media, bakit walang nagpapanukala na i-post sa social media ang araw-araw o periodic expenses ng lahat ng sangay ng gobyerno — lalo na ang mga LGUs?


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page