Kung si Nora, namumudmod ng datung… SHARON, LAGING MAY PA-CATERING SA TAPING NG SERYE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 6, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta
Ayon sa kuwento ng ilang cast at crew ng Honor Thy Mother (HTM), masaya lagi sa set dahil lagi silang binubusog ni Megastar Sharon Cuneta. Mistulang may catering lagi dahil hindi lang breakfast at lunch ang kanyang ipinahahanda, may dinner pa.
Well, hilig daw ito ni Mega na magpakain sa lahat kapag nagte-taping kaya naikukumpara siya kay Superstar Nora Aunor (SLN) dahil si Guy naman ay namumudmod ng kanyang talent fee (TF) kapag last day of taping niya. Madalas ding manlibre at tumutulong sa staff kung may problemang pinansiyal, kaya kadalasan ay wala nang natitira sa kanyang sahod.
Anyway, at this point of Sharon Cuneta’s life, siguro, mas feel niya ang mag-share sa mga nangangailangan dahil sobra-sobra ang blessings na kanyang natanggap.
Anak ni Jennylyn sa iba, tinanggap…
DENNIS, MAS RESPONSABLENG AMA KESA KAY PATRICK
DAHIL sa pag-amin ni Patrick Garcia na matagal na panahon na siyang hindi nagbibigay ng sustento sa anak niya kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, mas marami tuloy ang humanga ngayon kay Dennis Trillo.
Mas responsable palang ama ang aktor kumpara kay Patrick, na natiis na hindi makita nang ilang taon ang kanyang anak. Natakot siya sa kanyang responsibilidad.
Si Dennis, bagama’t marami ring babaeng nakarelasyon noon bago si Jenn ay hindi naman nakalimot sa kanyang obligasyon sa anak nila noon ni Carlene Aguilar.
Nakaka-bonding ni Dennis nang madalas ang kanyang anak kay Carlene at nasusubaybayan ang paglaki nito.
Well, alam ng aktor na isang single mom si Jenn bago sila nagkaroon ng seryosong relasyon at tinanggap niya ito. Kaya nang sila ay magpakasal ay blended family na sila.
Dumating si Dennis sa buhay ni Jenn sa panahon na marami itong problema. Siya ang ‘knight in shining armor’ na nagtanggol at tumulong sa aktres upang maka-survive sa kanyang pinagdaraanan. Hindi niya iniwan si Jenn sa gitna ng unos ng buhay.
GMA, kinalampag…
SERYE NINA ALDEN AT NADINE, NAKAKATULUGAN NA NG MGA SENIOR
Nagtatanong at umaapela sa GMA Network ang mga fans ni Alden Richards kung bakit daw sobrang late nang ipinapalabas sa GTV ang Love, Siargao (LS) na pinagbibidahan nila ni Nadine Lustre.
Past 11 PM na raw ito umeere sa GTV, kaya hindi na napapanood ng ibang viewers lalo na ‘yung may pasok nang maaga kinabukasan.
Sana man lang daw ay sa 9 to 10 PM timeslot ito inilagay. Nakakapanghinayang lang, lalo na para sa mga senior na tagahanga ni Alden. Marami pa naman ang interesadong mapanood ito dahil sa ganda ng lugar na dinarayo ng mga turista.
Well, 9:35 PM naman ito umeere sa GMA Prime.
Anyway, may isa pang serye si Alden Richards, ang Code Gray kung saan makakasama niya sina Christopher de Leon, Andrea Torres, atbp.. Posibleng sa primetime slot ito mailagay, kaya ito ang dapat abangan ng mga Alden fanatics.





Comments