Kung si James noon, busy sa ibang girls, dedma sa GF… BAGONG BF, TODO-LIKE SA PIKTYUR NI NADINE
- BULGAR
- Sep 14, 2021
- 1 min read
NA NAKA-TWO-PIECE
ni Nitz Miralles - @Bida | September 14, 2021

Mukhang inubos ni Christophe Bariou ang emoji sa comment nito sa post ni Nadine Lustre ng picture niyang naka-blue two-piece swimsuit na lalong nagpalabas sa kaseksihan ni Nadine. Kabilang sa emoji na ipinost ng rumored boyfriend ni Nadine ay male and female surfers, red rose at marami pang iba.
Kahit hindi nag-comment si Christophe, marami sa mga fans ni Nadine ang natuwa sa ginawa niya. Sabi nga ng isang fan ni Nadine, "Finally, a man who is proud of Nadine not in competition. Letting everyone know his future to bring Nadine with him and enjoy life. A man with respect.”
Si James Reid daw kasi noong sila pa ni Nadine, busy commenting and liking sa IG ng ibang girls, pero madalang mag-like ng post ng GF, lalo na ang mag-comment. Wala raw time noon si James kay Nadine, totoo ba ito?
Anyway, may fans pa pala si Nadine na nag-react sa latest bikini photo ng aktres. Hindi na sila nasanay, eh, noong endorser pa siya ng H&M, marami rin siyang photos in bikini na lumabas. Ngayon, Blackboughswim na ang ini-endorse nito.





Comments