top of page
Search
  • BULGAR

Kung si Jake, may Chie na… KYLIE, HULING MAY KASAMANG AFAM SA AMANPULO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 13, 2024




May rich friend ang aming reliable source na nakapag-chika na nakasabay nila sa Amanpulo ang sexy actress na si Kylie Verzosa.


But wait… there's more!!! 


Hindi nag-iisa si Kylie dahil may kasama raw itong Afam sa kanyang bakasyon-grande sa Amanpulo, ha?!


Sooo, kung ang ex-BF ni Kylie na si Jake Cuenca ay matagal nang may constant date sa katauhan ni Chie Filomeno, aba't nakapag-move on na rin pala ang former beauty queen-turned actress at Afam nga ang bago nitong karelasyon ngayon.


Sayang at mukhang nahiya raw ang rich friend ng aming reliable source na magpaka-Marites at kunan ng picture si Kylie at ang kasama nitong Afam. Pero 'yun nga, itsinika nitong confirmed na may bago nang dyowa ang super-seksing si Kylie.


Why, not? Eh, wala namang tinatapakan si Kylie, 'no?!


 

BF mo, Ria, habulan pa rin…

ZANJOE, INAMIN NG HALF IRISH-HALF PINAY SINGER NA SI GERALDINE JENNINGS



Gandang-ganda kami sa baguhang singer-actress na alaga ni Leo Dominguez na si Geraldine Jennings. 


Iniharap siya kamakailan sa entertainment press para i-launch lalo't siya ang bibida sa pelikulang Isla Babuyan kasama ang magaling na aktres na si Lotlot de Leon at leading men niya sina Jameson Blake at Paolo Gumabao, kasama rin ang Kapuso actor na si Dave Bornea.


Bata pa pala ay pangarap nang maging singer at aktres ni Geraldine, kaya with the support of her mom na nag-co-produce sa Isla Babuyan, natupad na nga ang childhood dream ng half-Irish-British, half-Pinay na ipinanganak sa 'Pinas pero pumuntang UK nu'ng 2009.


When asked kung sino sa mga local actors natin ang crush niya, binanggit niya ang name ni Zanjoe Marudo na napanood daw niya sa Dirty Linen. Bukod sa naguwapuhan siya kay Zanjoe, nagalingan siya rito bilang aktor.


Pero may chemistry din naman sila ng leading man niya sa Isla Babuyan na si Jameson Blake at kahit first time ni Geraldine na magkaroon ng kissing scene, nagawa naman daw niya nang maayos lalo't 'good kisser' kung ilarawan niya ang guwapong Kapamilya actor.


Desidido si Geraldine na ituluy-tuloy na ang kanyang singing at acting career, though may plano rin pala itong mag-join sa beauty contest soon.


Well, with her looks and body at magandang height, for sure ay pasok na pasok siya kapag sumali sa Bb. Pilipinas o Ms. Earth at iba pang beauty pageants.


Kaya nga sabi ni Geraldine, may sexy scenes man siya sa Isla Babuyan, classy pa rin at may restrictions siya, hindi all-out, para nga may chance pa rin siyang maging beauty queen.


Well, we wish her luck dahil mukhang bagay naman sa showbiz si Geraldine Jennings lalo't maganda rin ang boses nito at beauty and brains pa.

 


 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page