Kung si Heart, todo-displey ng branded na gamit…MARIAN, PROUD NA BUMILI NG P35 NA BASAHAN SA SHOPEE
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 3, 2022

Join na rin ang GMA-7's Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang mag-amang Dingdong Dantes at Zia bilang mga endorsers ng Shopee!
Sa ginanap na 3.15 Consumer Day Zoom mediacon ng Shopee kahapon, binulaga ng kagandahan ni Marian ang lahat dahil siya nga ang pinakabagong ka-shopaholic sa international online shopping app.
At ang nakakatuwang rebelasyon ni Marian Rivera, considering na isa siyang reyna ng GMA Network at kung tutuusin, kering-keri naman niyang bumili ng mga branded stuff tulad nina Heart Evangelista, Jinkee Pacquiao at Gretchen Barretto dahil sa dami ng kanyang datung, aba, eh, isa rin pala siya sa mga 'adik na adik' tuwing may Mega Sale ang Shopee, ha?
Hindi nga nahiyang aminin ni Marian na nakabili siya ng basahan sa Shopee na P35 lang daw ang halaga at napaka-absorbent at ang comfy gamitin kaya tuwang-tuwa siya.
At dahil d'yan, hindi na kami magtataka kung may magkumpara na naman kina Marian at Heart pagdating sa pagsa-shopping.
Habang inaabangan kasi ang halos araw-araw na social media post ng misis ni Gov. Chiz Escudero ng mga branded stuff mula sa dam it, sapatos, bags at alahas, hanggang sa mga gamit sa bahay tulad ng hanger, eh, heto ang misis ni Dingdong, napaka-pang-masa ng arrive at masasabi mo talagang practical mom lalo na sa panahon ngayong mahirap ang buhay.
At take note, tulad natin, mga misis, yeeeees, isa rin po si Marian sa mga talagang nag-aabang sa free shipping at iba pang promos ng Shopee, na in fairness, halos monthly ay may mga pasorpresa kaya ang dami-daming mga adik sa shopping na nabubudol. Char!
Anyway, Shopee, the leading e-commerce platform in Southeast Asia and Taiwan, introduces 3.15 Consumer Day, the first mega sale of the year.
Everyone can be a part of 3.15 Consumer Day which features the widest variety of products, made better with Free Shipping with ₱0 min. spend, ₱1 Deals, and 10% off daily starting March 3, kicking off the celebration with the 3.3 Consumer Day.
Shopee will also launch its #ShopeeCelebratesYou campaign to bring more cheer to users across the 3.15 period. Throughout the campaign, Shopee will surprise and delight its biggest fans on social media, while users stand a chance to win big prizes by taking part in various activities and contests across Shopee’s official platforms.
So, mga Mars, alam na!!!





Comments