Kung si Frankie, umuwi para sa pamilya… KC, MAG-ISANG MAGPA-PASKO SA TATE
- BULGAR
- Dec 19, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 19, 2021

Nag-post na nga si KC Concepcion ng birthday greetings kay Frankie Pangilinan, nakulangan pa rin ang ibang netizens. Parang hindi nila mapatawad si KC na hindi nakipagkita kay Frankie noong nasa New York ang younger sister.
Kahit daw nagkape lang ang magkapatid, malaking bagay na sana at para matigil ang mga Marites sa pagsasabing may isyu ang dalawa.
Nahanapan na naman ng bagong isyu si KC dahil sa birthday message niya kay Frankie, may nabanggit na “I pray that the years bring us closer together and that many great memories between us can be made!”
Ibig sabihin daw, hindi close ang magkapatid para maging ganu’n ang wish ni KC.
May sagot dito ang mga supporters ni KC, hindi raw kasi lumaking magkasama ang magkapatid dahil nag-aral sa Paris si KC. Pero, tama ang mga followers ni KC, ‘wag nang pakialaman ang magkapatid, lalo na kundi nila kapamilya at walang alam sa nangyayari sa buhay nila.





Comments