Kung si Ellen, may Dao Ming Si… LEA, TUWANG-TUWA NA NAPANSIN NI V NG BTS
- BULGAR

- Aug 10
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 10, 2026

Photo: IG _msleasalonga
Tuwang-tuwa si Lea Salonga nang mapansin at magustuhan ng miyembro ng BTS na si Kim Tae-hyung a.k.a. V ang kanyang Instagram (IG) reel kung saan nagpe-perform ito ng FYA sa konsiyerto ng grupo sa MetLife Stadium sa New Jersey.
Sa sobrang excitement, ibinahagi niya ang kuhang video ni V at agad namang nag-react ang BTS member.
Agad siyang nagpasalamat nang madiskubre niyang nag-react ito sa kanyang post.
Ani ng Broadway actress/singer, “Thanks, @thv, for looking into my camera! You truly are special!”
May follow-up message pa siya kay V at pinasalamatan ito sa pagre-react sa ipinost niyang reels.
Dagdag ni Lea, “@thv, thank you. I am freaking out. Have a great show tonight. I'm watching again!”
Oh, ‘di ba? Hindi nagpadaig ang Broadway actress-singer sa sexy actress na si Ellen Adarna sa pagpa-fangirl?
Kung may Jerry Yan a.k.a. Dao Ming Si si Ellen, may Kim Tae-hyung a.k.a. V naman siya.
IFINLEX ni Alex Gonzaga ang kanyang maternity photoshoot habang nasa third trimester siya ng pagbubuntis.
Ibinahagi niya sa Instagram (IG) ang eleganteng photos niya.
Nakasuot siya ng black off-shoulder na fitted jumpsuit, na kitang-kita ang baby bump.
Ginamit sa post ang kantang August ni Taylor Swift.
May kasama ring black-and-white photo nila ng asawa niyang si Mikee Morada, kung saan makikitang magiliw siyang humahawak kay Mikee habang hinahalikan siya nito sa noo.
Aniya sa caption, “In my mommy era. Thank You, Jesus, for allowing me to experience the beautiful gift of motherhood.”
Matatandaang ilang beses na nakunan si Alex bago siya nakabuo ng baby.
Mahalaga rin ang mensaheng isinulat ni Alex dahil binanggit niya ang pinagdaanan niyang pagkawala ng anak bago ang kasalukuyang pagbubuntis.





Comments