top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung si Angelica, todo-displey na…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 7, 2021
  • 1 min read

BEA, 'DI PA RIN MAILANTAD SI DOMINIC, MUKHA, TINAKPAN PA SA PIKTYUR

ni Nitz Miralles - @Bida | February 7, 2021




Nag-post si Bea Alonzo ng three heart emojis sa post ni Angelica Panganiban kasama ang boyfriend na si Gregg Homan. Siya tuloy ang napagbalingan ng mga netizens.


Ngayong finlex na raw ni Angelica ang kanyang boyfriend, kailan naman daw ipe-flex ni Bea si Dominic Roque?


Ibig sabihin ng nagtanong, kailan naman ipo-post ni Bea ang photos nila ni Dominic na magkasama? Sana raw, lahat ay proud sa kanilang jowa at nagse-share ng mga litrato nila.


Kaya lang, parang matagal pa mangyayari ito dahil ‘yun ngang bakasyon nila sa Amanpulo na kahit Instagrammable ang mga pinuntahan nilang lugar, for private consumption pa rin ang kanilang mga litrato.


May nakakuha nga ng picture nina Bea at Dominic, kaya lang, long shot, pero makikita si Bea in her black one piece swimsuit at si Dominic naman ay kumukuha ng picture.


Sa isa pang picture, makikitang naglalakad ang dalawa, kaya lang, mukha lang ni Bea ang makikita dahil tinakpan ang mukha ni Dominic.


Sa tanong kung bakit nakatakip ang mukha ni Dominic, ang sagot ng nag-post ng picture, gusto ng privacy ng rumored couple.


Kaya, abangan na lang natin kung kailan magiging ready sina Bea at Dominic na aminin kung anumang relasyon meron sila. Sa ngayon, let them enjoy their privacy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page