Kung si Aljur, may AJ na… KYLIE, GAME NANG MAGKADYOWA ULI
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 17, 2021

Naka-recover na si Kylie Padilla sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica at sabi nga niya sa isang interview, ready na siyang umibig muli kung sakaling may darating na muling magpapatibok ng kanyang puso.
Pero, hindi madali para kay Kylie ang muling pagpasok sa relasyon lalo na't may dalawa siyang anak na dapat itaguyod.
Bihira sa mga lalaki ngayon na papayag tanggapin ang mga anak sa una ng babaeng kanilang mamahalin. Besides, kasal sina Kylie at Aljur, hindi madaling magpa-annul ng marriage.
Ang dapat gawin ni Kylie ay maging priority niya ang kanyang showbiz career.
Kailangang maging aktibo siyang muli upang makakuha ng projects.
Wala naman siyang maaasahang suporta kay Aljur para sa dalawa nilang anak lalo't balitang may bago na itong karelasyon, si AJ Raval.
Kailangang financially stable si Kylie upang mapanindigan niya ang pagiging single mom. Ngayong malaya na si Kylie, marami na siyang panahon upang mag-enjoy at makipag-bonding sa mga kaibigan.





Comments