Kung si Alessandra, 'di isinama sa Best Actress… MILES, WALA SA NOMINEES PERO WAGING BEST SUPPORTING ACTRESS
ni Beth Gelena @Bulgary | December 30, 2023

Kitang-kita sa video ang reaksiyon ng host sa nakaraang 2023 Metro Manila Film Festival Awards Night nu'ng nag-alanganin itong i-announce ang winner sa Best Supporting Actress category.
Hindi niya mabanggit ang winner dahil hindi kasama ang name ni Miles Ocampo sa binasa ng presenter na listahan ng Best Supporting Actress nominees.
Nang sabihin na "Miles Ocampo also included in the list for Best Supporting Actress category," saka lang ini-announce ang pangalan ng actress-TV host.
"And the winner is Miles Ocampo."
Win si Miles para sa Family of Two na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards. Sa kabila ng nangyari, masaya niyang tinanggap ang kanyang tropeo.
Sabi nga niya sa isang panayam, "Itatabi ko ito sa aking pagtulog."
Samantala, nagtataka naman ang mga netizens kung bakit sa Supporting Actress category naisama ang pangalan ni Alessandra de Rossi.
"Nagulat ako na nasa Best Supporting category si Alessandra. Why? Paki-explain lang po."
Sa mga reviews kasi sa Firefly ay halos iisa ang sinasabi ng mga nagsusulat — puring-puri nila si Alex sa acting nito.
Si Alex umano ang lead actress sa Firefly, pero how come naging supporting siya?





Comments