Kung si Alden kay Bea… JASMINE, APRUB SA FANS PARA KAY JOHN LLOYD
- BULGAR
- Nov 25, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 25, 2021

Nakita at nakunan ng larawan si Jasmine Curtis-Smith sa taping ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 na ang tamang title ay Happy To Get Her. Tanong tuloy ng mga netizens, si Jasmine na ba ang leading lady ni JLC o baka guest lang?
Hindi rin malabo sakaling si Jasmine nga ang makapareha ni JLC dahil pareho silang under ng Crown Artist Management. Siguro naman, kapag nagsimula ang airing ng sitcom, tapos na ang The World Between Us.
Aprub sa mga fans sakaling si Jasmine nga ang kapareha ni JLC dahil pareho raw magaling umarte ang dalawa. May nakaisip nga agad na puwede silang gumawa ng teleserye at mas panalo kung isasama rin sa cast sina Alden Richards at Bea Alonzo.





Comments