top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung saan-saan magkasama pero todo-tago naman... BEA, TAKOT MASIRA ANG CAREER KAYA 'DI MAAMING BF SI

  • BULGAR
  • Jun 21, 2021
  • 1 min read

DOMINIC


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 21, 2021




Nalilito na ang mga fans ni Bea Alonzo kung ano ba ang real score sa love life ng aktres.


Dati nang pinagdududahan kung totoo ang nababalitang relasyon niya kay Dominic Roque. Hindi nagawang aminin ito ni Bea sa publiko kung totoo ngang boyfriend niya si Dominic.


May nakakakita naman na magkasama sila sa iba’t ibang lugar. Pero hanggang kailan kaya itatago at ililihim ni Bea ang tungkol sa relasyon nila ni Dominic?


May mga nagsasabi naman na at this point of her career, wrong timing kung aaminin na ni Bea si Dominic lalo na’t may movie silang gagawin ni John Lloyd Cruz.


Tiyak na maaapektuhan ang promo ng movie at aapela ang mga fans nila ni JLC kapag umamin na siya.


Kailangan ni Bea na protektahan ang love team nila ni John Lloyd para na rin sa mga producers na mamumuhunan nang malaki matuloy lang ang reunion movie nila.


Siguro naman, maiintindihan ni Dominic ang sitwasyon. Kaya ang mga netizens na nakasubaybay sa love life ni Bea, tanggapin na lang kung hindi pa maamin ng aktres ang real score sa kanila ni Dominic.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page