Kung sa Tate, 2 lang sila… VICE AT ION, MAY ENGRANDENG KASAL ULI SA 'PINAS
- BULGAR
- Feb 17, 2022
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 17, 2022

First time na idinetalye kahapon nina Mr. & Mrs. Perez na sina Ion Perez at Vice Ganda sa It's Showtime ang mga detalye sa marriage proposal at kasal nila na ginanap sa Las Vegas, USA nu'ng October 19, 2021.
Kahit pala ang It's Showtime family nina Vice at Ion ay clueless na nagpakasal na ang dalawa sa Tate nu'ng mag-concert du'n si Vice last October. Nagulat din sila at nalaman lang na kasal na ang dalawa nang mag-upload si Vice last Feb. 13 ng video clips ng kanilang wedding sa isang chapel sa Las Vegas.
Sa episode ng It's Showtime kahapon (Feb. 16, Miyerkules), ikinuwento nina Vice at Ion na Feb. 21, 2020 pa pala nag-propose ng kasal ang huli.
Nagpaalam pala si Ion na sa It's Showtime niya gustong gawin ang marriage proposal kay Vice pero hindi siya pinayagan kaya masamang-masama raw ang loob niya noon.
Ang ending, sa bahay na lang ni Vice siya nag-propose kung saan wala pa raw suot na wig at salawal that time si Vice, kaya hindi nila mai-upload ang video dahil naka-sweat shirt at panty lang that time ang gay TV host-comedian. Hahaha!
At dahil dalawa nga lang sila ni Ion nu'ng kanilang kasal sa Las Vegas — bukod siyempre sa nagkasal sa kanila — gustong ulitin ng mag-jowa ang kanilang kasal, and this time, dito na sa Pilipinas, lalo na't maluwag na nga naman ngayon at puwedeng-puwede nang magkaroon ng engrandeng wedding.
Ani Vice, wala na raw siyang pakialam kung kikilalanin man o hindi ng batas at simbahan ang kanilang kasal, pero gusto nilang gawin ito rito para masaksihan ng kanilang pamilya, mga kaibigan at ng lahat ng taong nagmamahal sa kanila.
Ohhhh!!! Taray, devah?!
So, 'yan ang tiyak na aabangan ng mga Marites ng Pilipinas, kung saan at kailan nga ba magaganap ang bonggang wedding of the year nina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa kabila ng mga kaguluhan ngayon sa pulitika, pinatunayan ni Bossing Vic Sotto na "Blood is thicker than water" dahil buong-buo niyang ipinakikita ang suporta sa kanyang Kuya Tito Sotto at sa ka-tandem nitong si Sen. Ping Lacson na tumatakbong vice-president at president respectively sa 2022 elections.
Ayon kay Bossing Vic, hanga siya kay Lacson sa integridad, katapangan at malinis na track record nito sa serbisyo publiko sa nakaraang limang dekada.
"Ako ay hanga sa katapatan nitong taong ito - katapatan sa pagbibigay ng serbisyong publiko.
Nakita natin 'yan sa record niya. At pagdating sa katapangan, 'di mo matatawaran. Kabitenyo, eh. Katapangan para labanan ang mga tiwali sa gobyerno, para labanan ang korupsiyon sa gobyerno,” dagdag pa ni “Bossing.”
Inendorso rin ni Vic ang kanyang kapatid na si Senate President Sotto, "Siya ang makakatulong ng ating Pangulong Ping para ayusin ang gobyerno, ayusin ang buhay nating lahat.”
Samantala, bukod kay Bossing Vic, pumunta rin sa proclamation rally nina Lacson at Sotto kamakailan sina Jose Manalo at Wally Bayola, pati na rin ang manugang ni Bossing na si Marc Pingris na asawa ni Danica Sotto.
Ang hinihintay ng lahat ngayon ay sino naman kaya ang magiging manok ni Pasig Mayor Vico Sotto sa pagka-pangulo at VP sa darating na eleksiyon.
Makukumbinse rin kaya siya ni Bossing Vic na suportahan ang manok nitong sina Sen. Ping at Sen. Tito?
That remains to be seen.
Comentarios