Kung sa Manila, dedma na sa isa't isa… PIOLO AT SHAINA, TODO-HOLDING HANDS AT YAKAPAN SA BOHOL
- BULGAR
- Oct 27, 2021
- 2 min read
Updated: Oct 31, 2021
ni Janiz Navida @Ateng Says | October 27, 2021
Hello, hello, hello, mga ka-Bulgar!
Ang daming ganap sa showbiz, devah?!
May mga nakakaloka at funny lang, meron namang toxic na, ewwww!
Kaya heto, naisipan ni Ateng Janiz na chill-chill lang muna tayo at simplehan lang natin ang mga emote natin sa mga isyung showbiz sa ating…. ATENG SAYS!
Oh, heto na, guysssss…
Vice Ganda, kumain daw sa palengke sa LA.
ATENG: Ganern?!!! Habang si Ion Perez, naglalaway sa kasa-shopping ng mga mamahaling motorsiklo?!
Boom!
CLAUDINE: Mas marami akong matutulungan 'pag naging konsehal ako.
ATENG: Mas marami ang sasaya 'pag 'di ka muna naging konsehal!
Pak!
Rocco Nacino, naging babaero dahil niloko raw ng ex-girlfriend.
ATENG: So, Rocco, nagsawa ka na… o pinagsawaan ka nila?
Which is which?! Char!
Sanya Lopez, magiging First Lady na ni Gabby Concepcion sa pagbabalik ng First Yaya.
ATENG: 'Wag lang in real life… dahil 'pag nagkataon, pang-Fifth Lady ka na ni Gabby, Sanya!
Ano, game???
Nadine Lustre, tinanggap uli ng Viva at binigyan ng pelikula.
ATENG: Buti pa sa Viva, may second chance siya… sa kanila ni James Reid… WALA, WALA, WALA!!!!
Agggguuuy!
Ivana Alawi, idinenay na BF si Marco Gumabao, pero si Joshua Garcia, may pag-asa!
ATENG: IBA NA ang trip ni Ivana! Pero teka… paano si…???
Ay, hindi na na-post!!!
Manny Pacquiao, nagbebenta na raw ng mga ari-arian sa GenSan.
ATENG: Hmmm… bakit 'di niya unahing ibenta 'yung mga alahas, bags, shoes at damit ni Jinkee… live selling, puwede rin!!!
Anne Curtis, gusto na raw bumalik sa It's Showtime.
ATENG: ANNE-no na kaya ang bago kay Anne sa pagbabalik niya?
Madlang pipoooool, ANNE-tayin natin nang sabay-sabay!
HEAVEN: I'm single but not ready to mingle.
ATENG: Mas masarap kayang maging single, walang maKIKOalam sa 'yo.
Sabeee?!
Kris Aquino, ikakasal na!!!
ATENG: Pssst… tahimik lang daw muna tayo… baka maudlot pa!
Char!!!
Piolo Pascual at Shaina Magdayao, todo-yakapan at holding hands sa Bohol.
ATENG: Baka naman nagBOHOL lang ang mga daliri nila, tapos pagbalik ng Manila…
dedMANILA na ang isa't isa!
Saklap, ha?!
Annabelle Rama, sinampahan ng cyberlibel case ni Jayke Joson.
ATENG: Uuuuy, may bagong laban na aabangan pagkatapos ng Pacquiao-Ugas fight!
Ang Pambansang Anino vs. Monster Mom!
Exciting, ha?!!!





Comments