top of page

Kung paralisado ang ekonomiya sa daigdig, delikadong mabangkarote ang Maharlika Fund

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 24
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | June 24, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Inaprubahan ng parlamento ng Iran ang pagsasarado ng Strait of Hormuz.

Presto, sintaas ng langit ang imbulog ng taas sa presyo ng petrolyo.


----$$$--


INIHAYAG ng Houthis na bobombahin nila ang mga barko ng US na maglalayag sa Red Sea.

Iyan ay epekto ng pagsawsaw ng US sa Iran-Israel War.


-----$$$--


LAHAT ng eksperto ay nagsasabi na guguho ang ekonomiya ng maraming bansa.

Siyempre, kasama riyan ang ekonomiya ng Pilipinas.


-----$$$--


MAY nagtatanong, sino raw ang nananalo sa giyerang Israel at Iran?

Malinaw ang sagot: Kung one-on-one -- ang Iran ang matibay!

Ang ebidensya?

Humingi ng saklolo ang Israel sa US -- at pinabomba ang Iran.


-----$$$--


KUMBAGA sa boksing, nang maagrabiyado ang isang boxer, pinasuntok sa referee ang kalaban.

Sa kabila ng 2 ang kalaban ng Iran, may ulat na hindi naman totally NAPULBOS ang nuclear facilities ng Iran tulad sa inilalarawan ni US President Trump.


----$$$--


ANG nakakatakot, hindi na ballistic missiles at bunker-buster bomb ang pinag-uusapan ngayon, bagkus ay ang kinatatakutang nuclear bomb.

May ulat, bagaman hindi kumpirmado, bibigyan daw ng nuclear bomb ng Russia ang Iran.

Iyan ay aktuwal nang World War 3.

Kasi kasali na rin ang Russia.


----$$$--


MARARAMDAMAN natin ang negatibong epekto ng digmaang ito bago mag-Pasko.

Pero sa Pilipinas, mas malamang ay magdahop sa buwan ng “Kawit-ang-palakol”-- Hulyo, Agosto at Setyembre.


----$$$--


Kung paralisado ang ekonomiya sa daigdig, ibig sabihin, delikadong mabangkarote ang Maharlika Fund.

Lalong magpapaguho sa ekonomiya ng Pilipinas.


----$$$--


HINDI naman masisisi si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa sitwasyong ito.

Hindi naman kasali ang Pilipinas sa digmaan.

Pero, malinaw na magdarahop ang buhay ng mga Pinoy.


----$$$--


WALA pa sa peak o hindi pa naabot ang kaigtingan ng kaguluhan sa Middle East, meaning —napakahaba ng pagdarahop.

Walang linaw kung kailan magwawakas ang krisis.


----$$$--


HINDI natin dapat asahan ang gobyerno na masasaklolohan tayo sa panahon ng krisis gaya sa COVID period.

Kanya-kanya nang diskarte dapat ang mga Pinoy.


Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page