top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Kung mayor ng Batangas, tutol… GOV. VILMA, SUPORTADO NG STAFF SA PAGTAKBO SA HIGHER POSITION SA 2028

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 19, 2026



SHOWBIZ SPECIAL  - GOV. VILMA, SUPORTADO NG STAFF SA PAGTAKBO SA HIGHER POSITION SA 2028_IG _rosavilmasantosrecto

Photo:IG _rosavilmasantosrecto



Hindi nakarating si Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa ginanap na media launch kahapon ng Ala E! Festival hosted by Batangas City sa pamumuno ni Mayor Marvey Mariño.


Bagsak ang kalusugan ni Ate Vi at nagpadala na lang ito ng audio recording para ipaabot sa grupo ng Philippine Movie Press Club na inimbitahan niya sa Governor's Mansion sa Batangas City kahapon ang kanyang pagbati at pasasalamat sa pagdayo ng mga press people sa Batangas para sa media launch ng Ala E! Festival.


Sa boses pa lang ni Gov. Vi na garalgal at may kasama pang pag-ubo, walang duda na hindi talaga niya kakayaning humarap sa mediacon, kaya naintindihan naman ‘yun ng press. 


Pero ‘di naman nagpabaya si Gov. Vi at inihabilin kay Mayor Mariño at sa mga staff ng aktres-governor na bumubuo sa Ala E! Festival na sila muna ang bahala sa mediacon.

Kaya bukod kay Mayor Marvey, humarap din sa media sina Atty. Joel Montealto (Provincial Administrator), Mr. Pedrito Martin Duan, Jr. (Chief of Staff), Ms. Sarah Adolfo (OPG-Executive Assistant), Ms. Jaida Castillo (PTCAO Head) at Ms. Christina Marie Catalan (BPIO Head) para sagutin ang mga tanong ng press sa gaganaping Ala E! Festival.


Ayon kina Mr. Duan at Ms. Sarah, grabe naman daw kasi ang sipag ni Gov. Vi na halos ayaw nang magpahinga. Sabi nga ni Ms. Sarah, 17 meetings sa isang araw ang hinaharap ng kanilang gobernadora. Sila raw ay haggard na, pero si Ate Vi, fresh pa rin at game na game pa kahit inaabot na nang late night ang meeting nila.


At ‘pag lumalabas si Gov. Vi para mag-ikot sa Batangas at dalhin ang serbisyo sa mga mamamayan thru her Capitol on Wheels, ‘di siyempre nawawala ang picture-taking, yakapan at paghalik niya sa mga tao, kaya siyempre, exposed nga naman siya sa sakit lalo't uso pa naman ngayon ang ubo't sipon at may virus na kumakalat.


Kaya sa ngayon, pahinga muna si Gov. Vi at kailangang magpagaling para muling makaratsada sa pagsisimula ng Ala E! Festival sa December 1 na magtatapos sa Dec. 8.

Ang dami pa namang inihandang activities para sa 445th founding anniversary ng Batangas tulad ng Trade Fair and Food Fest, MBA-VSR Awards, Unity Walk, Zumba, Medical Services, Fluvial Procession of Sto. Niño ng Batangan, Parade of Cultural Icons, Concelebrated Mass, Car Meet, Battle of the Bands, Having Ibaan Fashion Show, VSR Battle of the Champions, Isang Ilog, Isang Probinsya: Magkakatuwang Tayo One Act Play, Christmas Show, Street Dance Competition and Court Dance Competition.

Siyempre, gusto ni Gov. Vi na present siya sa mga ‘yan kaya kailangan niyang makabawi agad ng lakas at magpagaling sa sakit.


Anyway, tinanong namin ang mga naturang officials ng Team Ala E! kung pabor ba sila na tumakbo si Gov. Vi sa higher position sa 2028 elections.


Sa dami kasi ng magagandang projects ng aktres-governor sa Batangas thru her H.E.A.R.T.S. program, nakakaiinggit ang mga Batangueño. Baka naman gusto nilang i-share si Ate Vi para tumakbo namang senador o vice-president o president kaya sa 2028 elections?


Ayon sa Chief of Staff ni Ate Vi, papayagan lang daw nila ito kung magkakaroon ng kapalit sa Batangas tulad ni Mayor Marvey Mariño. 


Pero agad namang sagot ng alkalde, wala siyang balak tumakbong governor sa 2028, at tutol din siyang umakyat sa national level si Gov. Vi dahil mawawalan sila ng magaling, masipag at mapusong lider-ina sa Batangas.


Instead, sana raw ay may mga lider na ma-inspire kay Gov. Vi para magkaroon ng matitinong namumuno sa bawat lungsod. Kung mahuhusay at tapat lang daw ang mga mayor ng bawat siyudad, hindi na kailangan ng magaling na presidente para mamuno sa atin.

Isa pang concern ni Mayor Marvey ay ang kalusugan ni Ate Vi na sa edad nito ngayon, hindi na raw nito kailangan ng mas matinding stress sa paghawak ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.


Samantala, sabi naman ng EA ni Ate Vi na si Ms. Sarah, anuman ang maging desisyon ng aktres-gobernadora sa 2028 ay suportado nila ito all the way.


Well, sana nga ay makita at matutunan ng ibang public servants ang pamamahalang ginawa ni Gov. Vilma sa Batangas at baka sakaling mai-apply din nila ito sa kani-kanilang pinamumunuan.





O, s'ya, roon siya masaya dati, eh…

SIKAT NA SINGER-ACTRESS, TIBO ANG UNANG DYOWA BAGO NAGKAANAK SA GUWAPONG AKTOR




  • BLIND ITEM


BLIND ITEM:


Bago pa pala nag-artista ang sikat na singer-actress, dumaan din ito sa phase ng buhay niya na na-in love sa kapwa babae at naging magkarelasyon sila ng ilang taon din naman.


Mga 14 or 15 yrs. old pa lang daw ang singer-aktres, ayon sa aming source nang makarelasyon nito ang isang tibo na eventually ay nakapag-asawa naman ng male singer at nagkaroon sila ng maraming anak.


Naputol lang ang relasyon ng singer-actress at tibo nang pumasok na ang una sa showbiz at na-in love naman sa guwapong aktor na naging leading man niya sa mga pelikulang kanilang ginawa. Nagkaroon ng anak ang singer-actress at guwapong aktor pero naghiwalay din sila.


Ngayon ay may kani-kanya nang buhay ang singer-actress at tibo pero nagkikita pa rin sila paminsan-minsan dahil pareho namang umiikot sa showbiz ang kanilang buhay.


Oh, well, kung du'n siya masaya noon, sino ba tayo para humusga?

Basta, super mega-happy na ngayon ang singer-actress sa piling ng mabait na mister at kanilang mga anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page