Kung makabanat daw sa iba, feeling matino… HIRIT NG NETIZENS: MGA PELIKULA NI LIZA, BASURA!
- BULGAR

- Feb 10, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 10, 2021

Na-bash si Liza Soberano dahil sa post niya tungkol sa kanyang reaksiyon hinggil sa poster ng Tililing movie.
In-screenshot niya ang poster at nilagyan ng caption na: “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is not a JOKE. Stop the stigma.”
Reaksiyon ng mga netizens… “Ayan na naman ang mga social justice warriors.”
“Teh, walang mali sa pakikipaglaban sa mga nakagawa ng mali.”
“As if naman ang movies nina Liza, may advocacy din before. Chusera! Lol!”
“Tama, wala namang kredibilidad si Liza dahil mga basura rin ang pelikula niya. Pero may kasabihan nga, ang magnanakaw, galit sa kapwa magnanakaw.”
“Advocacy kuno ng mga celebs just to stay relevant.”
“As always, papansin si Liza.”
“Gurl... napanood mo na po 'yung movie? Also feeling ko, 'di alam ni Liza 'yung word na “tililing” lmao! Sakto kaya 'yung title sa poster.”
May nagtanggol din naman kay Liza, “How is it papansin, eh, advocacy niya 'yun as psych student siya.”
“The poster is off. They could have thought better.”
“Maka-basura ka naman, eh, sa 'yun ang ibinigay na pelikula sa kanila as love team. Anyway, nagsabi ng saloobin about sa poster, wala nang kredibilidad? Mas walang kredibilidad ang mga taong mababaw ang pang-unawa sa mental health at mas inuuna mag-bash sa kapwa kesa i-educate ang sarili.”
Maging ang mismong cast ng Tililing na si Baron Geisler ay ipinagtanggol si Liza sa mga bashers.
Sey ng mahusay na aktor, “Please don’t bash Liza. Please be kind. Sometimes we get overprotective with our advocacies. She did not mean to look down on the poster. I believe she meant well folks. Please be kind. Masakit ma-bash, naranasan natin lahat 'yan one way or another.”
Pinasalamatan naman ni Liza si Baron sa pagdepensa nito sa kanya.
“Thank you, Kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted. I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best… amen emoji.. Looking forward to seeing it.”





Comments