top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung kina Maine, Maja at Lovi, bonggang-bongga… KASAL NI PIA, 3 KAIBIGAN LANG ANG INVITED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2023
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 30, 2023


Hindi maiiwasan na ipagkumpara ng mga netizens ang mga kaganapan sa kasal nina Lovi Poe, Maine Mendoza, Maja Salvador at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Kani-kanya sila ng paandar at style sa kanilang wedding.


Dahil mga public figures sila ay ipinagkukumpara ang kani-kanilang kasal. Lahat ay nag-abang kung gaano kaglamoroso ang wedding ng mga nasabing celebrities.


Pinakatahimik at private sa lahat ang kasalang Pia-Jeremy Jauncey na ginanap sa isang private luxurious hotel sa North Island ng Seychelles, East of Africa. Tatlong malalapit na kaibigan lang ang sumaksi sa kanilang kasal. Wala kahit ang immediate family ni Pia at ganoon din ang pamilya ni Jeremy.


Basta, nag-post na lang sina Pia at Jeremy sa kanilang Instagram ng mga kuha nilang larawan sa ginanap na kasal.


Samantala, bonggang-bongga naman ang naging preparasyon sa kasal nina Maine at Cong. Arjo Atayde. Imbitado ang mga co-hosts ni Maine sa noontime show na E.A.T. at ang mga ninong sa kasal na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Ginanap ang kasal sa Alphaland, Baguio City.


Naging pribado rin ang mga detalye sa Maine-Arjo wedding at hindi nagbigay ng anumang impormasyon bago ang araw ng kanilang kasal.


Sina Maja at Rambo Nuñez ay sumunod na ikinasal sa Kempinski Bali, Indonesia noong July 31, 2023. At nitong August 26, si Lovi naman ang ikinasal sa kanyang British BF na si Monty Blencowe na isang movie producer at sa United Kingdom ginanap ang kanilang garden wedding.


Simple, pero napaka-romantic daw ng kasalang Lovi-Monty. Dumalo ang mom at mga kapatid ni Lovi, ganoon din ang kanyang mga BFF na sina Rhian Ramos, Max Collins at Bela Padilla.


Well, sino kaya ang mga susunod na celebrities na aabangan ang pagpapakasal? Sina Bea Alonzo at Dominic Roque na ba ang next?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page