Kung kina Dominic at Bea, out… DANIEL, SURE NA INVITED SA KASALANG ZANJOE-RIA
- BULGAR
- Feb 24, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 21, 2024

Ang biruan ng mga fans ni Daniel Padilla ngayon, sigurado raw na imbitado siya sa wedding nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Nabanggit kasi ni Dominic Roque sa isang interview na hindi imbitado si Daniel sa wedding nila ni Bea Alonzo dahil matagal na raw silang hindi nag-uusap. Ibig sabihin, nagkaroon sila ng falling out.
Sa wedding nina Zanjoe at Ria, hindi lang daw imbitado si Daniel, tiyak na kasama pa siya sa wedding entourage dahil close friends sila ni Zanjoe at magkakasama pa yata sa isang pelikula.
And speaking of Daniel, lumipad na naman ito sa hindi pa malamang bansa. Nakita siya sa airport, may dalang maleta at sa isa pang photo, nakapila na sila ng kanyang kasama.
Umalis si Daniel kung kailan nakabalik ng bansa si Kathryn Bernardo from her Melbourne, Australia trip dahil nanood ng concert ni Taylor Swift.





Comments