Kung ibang celebrities, todo-reklamo… JANINE AT JC, TAKOT MA-BASH NG DDS, TAMEME SA IPINATUPAD NA
LOCKDOWN
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 31, 2021

Hindi na sila teen-agers pero ang lakas ng kilig ng unang tambalan nina Janine Gutierrez at JC Santos sa TBA Studios movie na Dito at Doon, na dapat ay sa mga sinehan na ipapalabas kung hindi tumodo ang pagdami ng COVID cases sa 'Pinas.
Pero dahil OA na nga ngayon ang bilang ng mga nagpositibo sa lintek na 'veerus', via online streaming na lang muna mapapanood ang kilig movie nina Janine at JC, na in fairness, swak sa lockdown na pinagdaraanan nating lahat ngayon.
Iikot kasi ang love story ng mga characters nina Janine at JC sa virtual ligawan since bawal nga ang face-to-face. So, for sure, maraming millennial and 'feelennial' na nawiwili ngayon sa mga dating apps o pakikipag-chat online sa mga bagong kakilala ang makaka-relate sa kuwento ng Dito at Doon.
And since parehong magaling na aktres at aktor sina Janine at JC, na-achieve nga nila ang kilig na tiyak na magdadala ng mga ngiti sa labi at puso ng viewers.
Pero kahit light lang ang dating ng movie, may aral din itong hatid at may kurot sa puso.
Tinanong nga namin si Janine sa virtual mediacon ng Dito at Doon kung tulad ba ng kanyang karakter bilang si Len, siya ang tipo ng babaeng maghahabol pa sa lalaki kapag na-feel niyang parang ayaw na sa kanya?
Nagpakatotoo naman si Janine at sinabing nangyari na ito sa kanya in real life once at bilang adventurous na tao at girlfriend, at first daw ay ginawa naman niya ang part niya na ipaglaban ang relasyon nila ng guy dahil ayaw naman niyang may pagsisihan siya na bigla na lang siyang sumuko.
Pero payo rin ni Janine sa mga girls, dapat alam nating mga babae kung hanggang kelan mo lang dapat ipaglaban ang isang relasyon, dahil kapag wala na raw talaga, mahirap namang pilitin pa.
Pak! May point nga naman, 'no! Ang hirap nga namang isiksik mo pa ang sarili mo sa taong ayaw sa 'yo!
Sabi nga, there are many fishes in the ocean, pero mas marami na raw ang seaman… as in sea-manloloko! Nyahaha! Kaya girls, be wiser, 'no!
Anyway, nalulungkot man na hindi sa mga sinehan maipapalabas ang movie nila, okay na rin kina Janine at JC dahil mas importante pa rin ang kaligtasan nating lahat.
Asked nga namin sila kung may naiisip silang solusyon sa problema natin ngayon at kung agree ba silang lockdown ang tamang gawin para matigil ang pagdami ng cases ng COVID positive.
Kasi 'di ba, ang daming celebrities na nagrereklamo na bakit lockdown na naman uli, atsutsu, etc., etc., at tinitira ang kapalpakan ng gobyerno.
Pero para iwas-bash na lang, especially mula sa mga DDS, eh, hindi na nag-comment sina JC at Janine, maging ang ibang cast ng movie na sina Yesh Burce at Victor Anastacio, na by the way, ang galing din at cute ang tambalan sa Dito at Doon.
Pero si Direk JP Habac, nagbigay ng sariling opinyon na hindi naman daw dapat laging lockdown ang solusyon lalo't mukhang hindi napaghandaan nang husto ng gobyerno natin ang ipinatutupad ngayong ECQ.
Sana lang daw, bago nagpatupad ng lockdown ay may concrete plans na lalo sa mga mawawalan ng trabaho.
Hmmm, may point din naman.
Anyway, sakto naman na ngayong Holy Week, kasabay ng ating pagre-reflect, kung medyo bored na kayo sa mga ganap n'yo sa buhay, watch na lang ng Dito at Doon na available for streaming na nga mula ngayong March 31.
Mapapanood 'yan via streaming apps such as KTX.ph ( https://www.ktx.ph/ ), Cinema '76 @ Home (https://cinema76fs.eventive.org/welcome), iWant TFC ( https://tfc.tv/ ), Upstream ( https://upstream.ph/ ) and Ticket2Me (https://ticket2me.net/).





Comments