top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung ‘di raw guilty… CRISTY KAY KYLIE: PATUNAYAN MONG WALA KANG LALAKI!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 25, 2021




Hindi natinag ang veteran columnist/TV and radio host na si Cristy Fermin sa mga ‘paandar’ ni Kylie Padilla sa kanya sa Twitter na pagkatapos nang ilang oras ay binura rin naman.


Sa kanyang programang Cristy Ferminute ay hindi pinalampas ni Nanay Cristy ang mga sinabi ni Kylie at tinalakan niya nang bonggang-bongga ang aktres.


Isa nga sa mahahalagang punto ni ‘Nay Cristy ay hindi mga manunulat o ang mga bashers ang nagsimula ng issue ng hiwalayan kundi si Kylie rin mismo dahil sa mga posts nga naman niya nagsimulang mag-speculate ang mga tao na tila nagkakalabuan sila ni Aljur.


Ang nagkumpirma naman ng hiwalayan ay ang ama ni Kylie na si Robin Padilla at base nga sa kuwento ng aktres kay Binoe ay may babae si Aljur.


Kinuwestiyon din ni ‘Nay Cristy ang kawalan ng paninindigan ni Kylie na binura agad ang tweet nito tungkol sa kanya.


“Kylie, bakit wala kang nakuha sa paninindigan ng ama mo? Si Robin, kapag nagsulat, kapag may ipinost, kapag may sinabi, hindi niya binabawi! Pinapanindigan niya ‘yun at karapatan niya ‘yun bilang tao at bilang mamamayang Pilipino dahil siya’y nagbabayad ng kanyang taxes. Karapatan niyang magsalita ayon sa kanyang opinyon.


“Bakit ikaw, nag-post ka kaninang umaga, nag-exercise ka lang yata, binunot mo na ‘yung post mo?! Bakit hindi mo napanindigan? Bakit tinanggal mo kaagad? Bakit binura mo kaagad? Ano ‘yun, nagtatago ka, parang pako? Litaw ang ulo mo, nakatago ang katawan mo?”


“Hindi tama ‘yun! Kapag mayroon kang isinulat o sinabi, panindigan mo, karapatan mo ‘yun, eh! Sarili mo ‘yan, eh, ‘di ba? Panindigan mo. Hindi pupuwedeng hindi mo panindigan,” litanya ni ‘Nay Cristy kay Kylie.


Matatandaang sa tweet ni Kylie ay sinabi niyang kilala niya ang source ni ‘Nay Cristy kaya ang hamon ng manunulat, magharap-harap sila.


“Sabi mo, kilala mo ang source ko, ilitaw mo ang source ko, magharap-harap tayong tatlo,” sey ni ‘Nay Cristy.


Hinamon din niya si Kylie na sagutin ang hamon ni Aljur na sabihin kung sino ang nangaliwa sa kanilang dalawa.


“Tinanong ka na nga niya, alam niya kung sino ang kasama mo ngayon. Alam niya kung sino ang sumira sa inyong pamilya. Bakit hindi mo masagot ‘yun punto por punto?


“Ang mga ganyang paghamon, hindi inuurungan ‘yan. Huwag kang matatakot. Dapat diyan, kailangang linisin mo ang pangalan mo para mahinto ang isyu!” ang payo ni ‘Nay Cristy kay Kylie.


Actually, may punto naman si ‘Nay Cristy. Kung gusto ni Kylie na matigil ang kontrobersiyang ito ay linawin niya na hindi totoo ang sinabi ni Aljur. At hindi siya dapat magalit sa mga writers na nagsusulat ng issue nila dahil kung wala namang nakikita or naririnig mula sa kanila or sa kampo nila ay wala rin namang maisusulat ang mga manunulat.


Kung ayaw nilang may maisulat na negatibo sa kanila, mag-behave sila or at least, maging discreet man lang. ‘Yun lang ‘yun.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page