top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung dati raw, sweet, 'di na ngayon… INA, AMINADONG NAGBAGO NA ANG MISTER

  • BULGAR
  • Mar 30, 2021
  • 1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 31, 2021




Twenty years nang kasal ang sexy actress na si Ina Raymundo sa kanyang Canadian husband na si Brian Poturnak. Lima ang kanilang naging anak na malalaki na ngayon. Going strong pa rin ang kanilang marriage.


May konting reklamo lang si Ina sa kanyang mister na si Brian. Hindi na raw kasi ito sweet at romantic na tulad ng dati.


Bilang babae, hinahanap din ni Ina ang pagkalambing ng kanyang mister na dati nitong ginagawa during the early years of their marriage. At ngayong 20 years na silang mag-asawa ay medyo nabawasan na ang pagiging sweet and romantic ng kanyang mister.


Pero mabait, responsible at faithful naman daw sa kanya si Brian. Isa rin itong mapagmahal na ama at walang problema sa kanilang pagsasama.


Well, dapat ay unawain ni Ina kung bakit hindi na malambing at romantiko ang kanyang mister. Sa buhay kasi ng isang lalaki ay dumaraan ang isang phase kung saan nagbabago ang kondisyon ng kanilang katawan.


Ang mga babae ay mas romantic kahit pa may-edad na. Kung wala namang ibang babae si Brian, walang dapat ipangamba si Ina. Babalik din naman ang pagiging malambing ng kanyang mister.








Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page