top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung dati, nagtitimpi pa… LOTLOT, MINURA NA SA FANPAGE NI NORA, TINAWAG PANG INGRATA, SUMABOG NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2020
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 5, 2020



Isang mahaba-habang mensahe ang ipinost ng aktres na si Lotlot de Leon sa kanyang Facebook account kahapon para sa mga bashers niya na kinukuwestiyon ang pagmamahal at pagtanaw niya ng utang na loob sa Superstar na si Nora Aunor.


Aware naman daw si Lotlot sa mga bashers niya and for the longest time ay sinikap niya na magtimpi at pagpasensiyahan na lang, but not until yesterday.


Masyado nang foul ang sinabi sa kanyang pagkatao and worst, may kasama pang mura, kaya nagsalita na siya.


"This has been going on for years now. Tonight, it was something new. May mura na kasama. Ang nakakalungkot lang dito ay mismong sa fan page pa ng mommy ko lahat ng ito," post ni Lotlot sa FB.


Parang natulala raw siya when she read this comment. Feeling ni Lotlot ay pinagkakaisahan siya ng ilang tao.


"I don’t know how or when this started. All my life, kahit nu'ng bata pa ako, natatawag na akong “ampon” or “ampon ni Nora”. My parents never made me feel otherwise. But the others, yes," lahad ni Lotlot.


Ikinuwento rin ni Lotlot ang naging experience niya noong bata pa sila ni Ian de Leon, ang tunay na anak ni Nora sa aktor na si Christopher de Leon.


"May pagkakataon pa nga na si Ian, puwedeng kumain ng de-lata nu'ng bata kami na nasa cabinet. 'Yung nag-aalaga kay Ian, sabi, 'Sa kanya lang 'yun.' Kahit hindi ko naiintindihan, I would just nod and say, 'Yes po.'"


Kahit daw sa eskuwelehan ay may mga nambu-bully sa kanya. May isang beses daw na sumagot siya, pero madalas, dinededma lang niya.


"Lahat ng mga kapatid ko, mahal na mahal ko. Wala akong hindi gagawin para sa kanila. Walang makakatumbas sa pinagsamahan namin, kung alam n'yo lang. Sa hirap at ginhawa, I will always try to be there for them, and sila, ganu'n din para sa akin.


"Did we have an easy life? No. Kasi kahit naman sikat at kilala at kinikilala sa buong mundo ang mga magulang namin, hindi naman nagbago ang buhay namin. Natural lang. Simple pa rin."


Kasunod nito ay inilarawan naman ni Lotlot ang relasyon nila ni Nora.


"Ang relationship ko kay Mommy, iba. We have never been the “typical” kind of family."


Sabi pa ni Lotlot, "I have tried my best all these years to be a good daughter. Wala akong hindi sinubukang gawin. Alam ng Diyos 'yan. Minsan, gusto kong ipaliwanag sa lahat kung ano nga ba kami, pero hindi ko rin maipaliwanag. Ang alam ko lang, mahal ko siya. At siguro, kahit nga ipaliwanag ko, hindi pa rin maiintindihan."


Walang ideya si Lotlot kung kailan at paano nagsimulang sabihan siya na walang utang na loob at ingrata. Pagod na pagod na raw siyang depensahan ang sarili sa mga maling akusasyon sa kanya.


"Nu'ng bata ako, 'pag sinasaway ako ni Mommy, kakausapin niya ako. 'Pag may mga 'sumbong' sa kanya, ang lagi ko lang sagot, 'Yes po, Ma.' I never answered her back or ni mangatwiran."


Kahit daw nu'ng nagkaanak na siya, she would always reach out kay Nora. Wala raw panahon na 'di niya inisip si Nora, i-text, tawagan or puntahan sa ginagawa nito.


Hindi na rin napigilan ni Lotlot na ibulgar ang katotohanan sa absence ni Nora sa kasal nila ng Lebanese hubby niyang si Fadi El Soury last December, 2018.


"I wanted her to be at my wedding. I asked her. How can I not? I wanted her to be 'present'. Sa lahat ng occasion sa buhay ko, pati na rin sa mga anak ko, wala rin siya sa kasal ni Ian, pero bakit hindi kinuwestiyon 'yun ng sinuman?"


Noong namatay daw ang bunsong kapatid ni Nora na si Buboy Villamayor, nandu'n siya. At kahit noong nasa ICU pa lang daw ang kanyang Uncle Buboy, sabay-sabay silang magkakapatid na nagpunta. Hanggang bago namatay ang Uncle Buboy nila ay nakadalaw din sila ni Ian.


"We will always try to be there for one another, kaming magkakapatid. We will always be there for mom too. Anytime na kailangan niya kami. Basta kaya namin, we will be there. I will be there. Walang panahon na hindi ko siya susuyuin, lalo na kung alam ko na may tampo siya.


"Never naging perpekto ang buhay namin, may masaya, malungkot, magulo, lahat na. Pero ang lahat ng ito ay personal, hindi na rin para isa-isahin ko pa. Pero isa lang ang sigurado, alam ko, kahit kailan, 'di ako makakalimot. Alam ko may hangganan din ang lahat," pagtatapos ni Lotlot.


O, ayan, ha? Naliwanagan na kaya ang mga bashers sa sinabi ni Lotlot.


Malinaw ang punto ni Lotlot, almost sa lahat ng panahon na kailangan ni Nora ng suporta ng pamilya, 'di man palagi, pero most of the time, nandu'n sila ng mga kapatid niya, kaya masakit nga naman na maakusahan na ingrata at kung anu-ano pa lalo na't 'di naman true.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page