top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Todo-thank you sa GF… CARLOS, SI CHLOE ANG LAKAS KAYA NAGKA-GOLD MEDAL ULI

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 27, 2026



TALKIES - CARLOS, SI CHLOE ANG LAKAS KAYA NAGKA-GOLD MEDAL ULI_IG _c_edrielzxs

Photo: IG _c_edrielzxs



Two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, nagwagi ulit ng gold medal sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan matapos makapagtala ng 14.599 na score sa men’s vault finals ng nasabing multi-sport event.


Hindi maitago ni Carlos ang kanyang saya nang tanggapin niya ang kanyang ikalawang gintong medalya para sa Pilipinas.


Sa Instagram (IG) post ni Carlos, nagpasalamat siya sa Panginoong Diyos at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, lalo na sa love of his life na si Chloe San Jose.


Ani Carlos, “Thank you Lord sa lahat ng biyaya at mga pagsubok na ibinibigay mo po.

“‘Di magiging posible lahat ng ‘to kung ‘di dahil po sa inyo, Lord God! ‘Di naging madali ang mga na-experience ko bago makarating dito sa Japan at habang nandito sa Asian Games, kaya sobrang natutuwa po ako na nasungkit natin ang gintong medalya.


“Maraming salamat @olympic.ph @phil.sportscommission and Ma’am Cynthia sa walang sawang pagtitiwala at suporta. Sa team ko: Coach Aldrin, Ma’am @bethelicious_hey, Coach @adrian_apuyan and Kuya @kingjossman, maraming salamat po!


“Sa pinakamamahal ko @chloeanjeleigh, thank you mahal ko sa palaging pagpapalakas ng loob at patuloy na pag-push sa ‘kin para mas lalo ko pang galingan at mas mahalin ‘yung ginagawa ko, inside and outside ng karera na ‘to.

“At s’yempre, sa lahat po ng mga prayer warriors ko, maraming salamat po sa inyong lahat!”


Congratulations, Carlos!





Buong pagmamahal na ipinakilala ng kome dyanteng si Smokey Manaloto ang kanyang bunsong anak na si Maria Clara Brazal Manaloto.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Smokey ang larawan ng kanyang napakaganda at napaka-cute na baby.


Ani Smokey, “Akala ko alam ko na kung gaano kalaki ang kayang ibigay na pagmamahal ng puso ko, hanggang sa dumating ka sa buhay namin, anak.


“‘Di man naging madali ang paglalakbay bago ka namin mayakap, bawat luha, takot, at dasal ay nagkaroon ng mas malalim na kahulugan nang una ka naming makita.


“Sa bawat munting ngiti mo, sa bawat paghawak mo sa aming mga daliri, at sa bawat pagkakataong nakakatulog ka sa aming mga bisig, paulit-ulit naming nararamdaman kung gaano kami pinagpala na maging mga magulang mo.


“Sana paglaki mo, malaman mong bago ka pa man makilala ng mundo, may isang buong pamilyang sabik na sabik nang makilala ka, mahalin ka, at makasama ka sa bawat yugto ng buhay mo.


“At kung dumating man ang araw na maging mahirap ang mundo para sa ‘yo, sana maalala mong may tahanan kang puno ng pagmamahal, may mga yakap na ‘di mauubos, at may mga pusong habambuhay na magiging sa ‘yo.


“Mga kaibigan, buong pagmamahal at pagmamalaki naming ipinakikilala sa inyo ang aming bunsong anak, ang aming munting himala at isa sa pinakamagandang sagot sa aming mga dasal, si Maria Clara Brazal Manaloto.”


In fairness, super cute ng anak ni Smokey.

Welcome to the world, Maria Clara!





Proud na proud na si Coleen ang misis…

BILLY: I’M THE LUCKIEST HUSBAND IN THE WORLD



Sweet birthday message ang ibinahagi ng aktor-singer na si Billy Crawford sa kanyang Instagram (IG) post para sa kanyang misis na si Coleen Garcia.


Ani Billy, “Happy birthday, my love.


“I truly am the luckiest husband in the world to have someone like you by my side. We’ve had our fair share of ups and downs, but through it all, I’m just so thankful that it was you I got to go through it all with. 


“You are the light of our home, the heart of our family, and the love that holds us all together. You deserve every beautiful thing you've ever dreamed of and so much more.

“I love you more than words could ever say. Happy birthday, my love.”


Nagdiwang si Coleen ng kanyang ika-34 na kaarawan noong September 24.

Happy birthday, Coleen!


‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page