Kung binahay-bahay na lang daw sana, safe pa… ANGEL, SINISI SA PAGKAMATAY NG SENIOR CITIZEN
- BULGAR
- Apr 24, 2021
- 3 min read
SA COMMUNITY PANTRY
Julie Bonifacio - @Winner | April 24, 2021

Nabahiran ng lungkot ang dapat sana’y masayang araw para kay Angel Locsin kahapon.
Sa pagnanais na makatulong, nagbukas ng sarili niyang community pantry sa Kyusi si Angel sa mismong araw ng kanyang ika-36 kaarawan, April 23.
Almost ready na ang community pantry ni Angel a day before her birthday. Panay na rin ang post niya ng information sa kung ano’ng oras sila magsisimula at paulit-ulit na nagpaalala sa publiko ng mga safety protocols sa kanyang social media posts.
Ten in the morning ang announcement ni Angel na oras na magbubukas ang community pantry, pero 5 AM pa lang ay marami na ang nakapila. Kaya naman, napilitan na raw silang magbukas nang 8 AM. Namili pa raw kasi sila sa bagsakan ng gulay nu’ng madaling-araw.
Sa kasamaang-palad, may isang senior citizen na nabalitang hinimatay at kalaunan ay namatay.
Bandang hapon, nag-post si Angel ng mensahe sa kanyang Instagram account tungkol sa pangyayari.
“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po siya na pumila daw po ng 3 AM at may nakainitan sa pila,” umpisa ng caption ni Angel sa kanyang Instagram account.
Agad na humingi ng sorry si Angel sa pamilya ng yumaong senior citizen.
Narito ang kabuuan ng mensahe ni Angel…
“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po, pinuntahan at nakapag-usap po kami nang personal ng mga anak niya sa ospital. At habambuhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.
“Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po siya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po siyang ama at maayos niyang napalaki ang mga anak niya.
“Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.
“Meron po kaming itinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nu'ng mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.
“Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa IATF rules.
“Pagkatapos po, ido-donate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay.
“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y 'wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.
“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.
“I am very, very sorry,” paghingi muli ng paumanhin ni Angel.
Dinagsa naman ng suporta si Angel ng mga kaibigang celebrities na nag-post ng comment sa Instagram ng fianceè ng producer na si Neil Arce.
“Yakap nang mahigpit, Gel," post ni Bea Alonzo.
Mula naman sa best friend ni Angel na si Dimples Romana, “Mars, we love you. The Lord knows your heart. We know it. We love you very much.”
Dagdag na comment-post pa ni Dimples, “Praying for Tatay and his family. Our family rosaries will be for you and Tatay’s family.”
Sampung praying emojis naman ang post ni Alessandra de Rossi.
Pero ang comment-post ng aktres na si Rita Avila ang umani ng replies sa mga netizens.
“His death is not ur (your) fault at all but yes, it is sad that it happened on ur (your) b-day (birthday) pa. Condolences to the family of Tatang,” lahad ni Rita.
Uminit ang palitan ng mensahe sa reply section ng comment ni Rita.
“Hindi natin hawak ang buhay natin. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat. Don’t blame yourself @therealangellocsin. God sees and knows your good intentions. What happened was not your fault. I am so proud of you.”
“Hindi rin mamamatay 'yung tao kung binabahay-bahay niya na lang ang pamimigay. Eh, gusto laging kung tumulong, nasa camera.”
Reaksiyon ni Rita, “Luh! In respect to the lolo whose resting time came as God has planned it, ‘wag na kayong mag-away at magbintangan ng kung anu-ano. In respect din kay Angel who only wanted to give joy on her b-day, 'wag kayo ganyan. Ikaw kaya ang mag-b-day party na gusto mo lang makapagpasaya pero may namatay sa buhay mo na 'di mo naman kagustuhan, ano ang mararamdaman mo? B-day mo, may namatay. Masakit, malungkot, mabigat. Tapos, lalo pang pabibigatin ng mga tao, asal-2 years old. Anubah? @therealangellocsin Sorry, nakisabat ang lola mo. GOD is the ONLY witness and judge. NO ONE ELSE.”





Comments