Kung ang mister na si Chiz, amazing guy daw… HEART, DUMI NA LANG ANG TINGIN SA MGA EX-BF
- BULGAR

- Feb 8, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | February 8, 2021

Sino kaya ang tinukoy ni Heart Evangelista na kanyang ex-BF na ni-like ang isa niyang ipinost na picture sa Instagram gayung hindi siya nito pina-follow?
Sina John Prats, Daniel Matsunaga at Jericho Rosales ang alam ng marami na naging ex-BF ni Heart.
Okay naman sila ni Daniel at minsan nga, nababasa ang comment nito sa IG posts ni Heart. Pati nga sister at mom ni Daniel, nagku-comment din sa mga posts ng Kapuso actress.
Okay din naman yata sila ni John. Si Echo naman, focus sa asawang si Kim Jones.
So, sino kaya sa mga ex ni Heart ang nag-like ng kanyang photo?
Sabi ng aktres, “Na-like accidentally ang isa sa pic ko - and he doesn’t follow me. Medyo naloka ako. Buti na lang cuties pic ko with a dog.”
Nabanggit ito ni Heart nang may magtanong sa kanya kung ini-stalk ba niya sa social media ang mga naging karelasyon niya.
Sey ng aktres, “Sila siguro, char.”
Aniya pa, “My answer is NO. If you marry someone as amazing as this guy? The others are just dust particles in outer space. Thank you, Lord, napakahusay mo sa turn of events.”
Ang asawa niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero ang tinukoy ni Heart na “amazing guy.”
Buwelta naman ng mga netizens, unfair daw sa mga ex-BF niya ang sinabi niyang “The others are just dust particles in outer space.”
Sana raw, “no” na lang ang isinagot niya.





Comments