Kung ang ibang Kapuso, pinakawalan na… LOVI, HINABOL NG SIYETE ‘WAG LANG LUMIPAT SA DOS
ni Nitz Miralles - @Bida | April 28, 2021

Nasa bansa na si Lovi Poe mula sa bakasyon niya sa Los Angeles, California at kasama roon ang pagbisita niya sa boyfriend na si Monty Blencowe.
Dahil nasa bansa na ang aktres, mas maganda siguro kung siya na ang diretsong tanungin sa balitang tatapusin lang niya ang Owe My Love na umeere sa GMA-7 ngayon at lilipat na sa ABS-CBN dahil kasama siya sa cast ng Doctor Foster o The World of The Married, ang gagamiting title ng Kapamilya Network.
Nabanggit na kung ano ang role na gagampanan daw ni Lovi sa The World of The Married pero puro espekulasyon pa lang dahil dapat ay sa kanya o sa manager niyang si Leo Dominguez manggaling ang kumpirmasyon. Saka, dapat yata, pumirma muna ng kontrata sa ABS-CBN si Lovi.
Ang balita, may counter offer ang GMA Network kay Lovi ‘di tulad sa ibang Kapuso stars na balitang lumipat na. Ibig sabihin, hindi papayag ang Kapuso na umalis ang aktres.
Ang daming bagong teleserye ng GMA-7, kakailanganin nila ng mga artista na ika-cast sa new shows nila.





Comments