Kung ang ibang kapatid ng mister, nandu’n… BEA AT VINCENT, ‘DI TITIRA SA COMPOUND NG MGA CO
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 17, 2026

Photo: IG mimiyuuuh & _iamhearte
Matapos ang biglaan at sikretong pagpapakasal, maraming fans ni Bea Alonzo ang nag-aabang sa mga susunod na kaganapan sa buhay nila ni Vincent Co bilang mag-asawa.
Saan daw ba magha-honeymoon sina Bea at Vincent? Saan sila titira ngayong kasal na sila? Maaapektuhan ba ang career ng aktres ngayong Mrs. Co na siya?
Excited ang lahat at nagwi-wish na sana ay mabiyayaan sila agad ng mga anak.
Well, isang linggo bago ang kanilang civil wedding ay may nai-post sa social media na babalik na ang aktres sa dati niyang bahay sa Quezon City. Ito kaya ang dati nilang bahay sa White Plains? Ito na kaya ang magiging love nest nila ng mister?
Samantala, isang reliable source ang nagkuwento sa amin na lahat ng kapatid ni Vincent na nag-asawa na ay may kani-kanyang bahay sa compound ng pamilyang Co na nasa Dasmariñas Village sa Makati. Hiwalay ito sa bahay ng parents nina Vincent.
Gusto ng parents ng mga ito na dito rin sa compound tumira sina Vincent at Bea, pero mukhang gusto ng aktres na humiwalay sila ng mister.
SERYOSO si Rufa Mae Quinto na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa ‘Pinas. Wala na siyang balak na manatili nang matagal sa Amerika. Mas komportable siyang magtrabaho sa ‘Pinas dahil narito ang mga dati niyang kaibigan.
Kaya kapag may offers na dumarating ay hindi niya pinalalampas. Wala man siyang exclusive contract ay puwede siyang magtrabaho sa Kapuso, Kapamilya at Kapatid Network.
Nag-e-effort si Rufa Mae na i-reinvent ang kanyang sarili upang puwede siya sa kahit anong klaseng role. Hindi man siya singer o dancer, kinakaya niya at walang inuurungang challenge.
Hindi man siya ang bida sa show, ang mahalaga ay may trabaho siya at kumikita para sa future ng kanyang unica hija.
GRABE ang suportang ibinibigay ng mga fans ni Dustin Yu. Talagang gumagastos sila sa mga events para sa kanilang idolo. Okey silang gumastos makita lang at maka-bonding ang aktor.
Aktibung-aktibo ang mga leaders ng fans club ni Dustin. Sila ang nag-o-organize ng meet and greet events. Kadalasan ay may bayad na P1 thousand ang bawat fan na gustong dumalo sa meet and greet event.
Kasama na sa bayad ang libreng merienda, giveaways at iba pang freebies. At may photo op pa sila kay Dustin.
Iba na nga ang henerasyon ng mga fans ngayon. Dati ay mga artista ang gumagastos sa meet and greet ng kanilang mga fans. Ang mga artista rin ang naghahanda ng food at namimigay ng giveaways. Minsan, may transportation allowance pa.
Pero maraming fans ni Dustin ang belong sa upper class at can afford na gumastos.
Ang aktor ay BFF ni David Licauco. Pero mukhang walang mga diehard fans si David na nag-o-organize ng kanyang meet and greet event. Sikat na sikat na kasi siya ngayon at busy sa kanyang mga negosyo.





Comments