top of page
Search
  • BULGAR

Kung ang iba tulad ni Regine, hinaharang… VILMA, TODO-THANK YOU NA BET MAGING NATIONAL ARTIST

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Abril 17, 2024




As much as possible, iniiwasan sanang sagutin ng nag-iisang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto ang isyu tungkol sa pagnonomina sa kanya para maging susunod na National Artist tulad ng writer ng iconic movie niyang Anak na si Sir Ricky Lee.


Kaya sa ginanap na Cine Icons screening ng restored movie niyang Anak sa UST last Monday sa pangunguna ng Cultural Center of the Phils., nagpakatotoo si Ate Vi na bagama't masaya siya sa tiwala ng maraming fans niya na karapat-dapat siyang maging National Artist, ayaw daw niyang mag-expect na ibibigay sa kanya ang titulong ito.


Ang katwiran ni Ate Vi, "Kung uukol, bubukol" dahil naniniwala siyang marami rin namang karapat-dapat na bigyan ng naturang parangal. 


Ang nakakatuwa lang, nang ma-nominate si Ate Vi na maging National Artist, puro positive feedback at support ang naririnig namin mula sa iba't ibang sektor, unlike nu'ng si Superstar Nora Aunor ang ma-nominate noon, ang daming tumututol at hinaharang ang pagiging National Artist ng Superstar.


Pero siguro nga, dahil nakatadhana rin namang maging National Artist si Ate Guy, naibigay din naman ito sa kanya eventually. 


Ngayon naman, si Asia's Songbird Regine Velasquez naman ang nakakatikim ng pamba-bash dahil lang may nag-nominate rin sa kanya na maging National Artist.


Oh, well, basta naniniwala kami na deserve ni Ate Vi ang maging National Artist dahil sa mga naging contribution niya sa ating film industry at ngayon nga, kahit wala naman siyang posisyon sa gobyerno, kinakarir niya ang advocacy na matulungan ang ating film industry sa pamamagitan ng paghikayat sa moviegoers na magbalik-sinehan at muling panoorin ang mga pelikulang Pilipino.


Nag-iisa talaga si Ate Vi, pramis!!!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page