Kung ang iba, nagsara… KEN, MAGTATAYO NG RESTO HABANG PANDEMIC
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 08, 2021

Nakakatuwa naman si Ken Chan na sa gitna ng pandemic ay pinaiiral pa rin ang kasipagan at tinutupad pa rin ang kanyang mga pangarap. Ngayon ay naisip naman niyang magtayo ng isang restaurant.
"Dahil hindi po ako masyado makalabas ng bahay, ito po 'yung pagkakataon ko para mag-conceptualize ng mga business,” pagbabahagi niya sa Sarap 'Di Ba? Bahay Edition.
Ang pangalan ng itatayo niyang restaurant ay Made In Wok na isang Pan Asian cuisine.
"Isa po sa mga itatayo kong business ngayon ay isang restaurant sa Tomas Morato.
"It's a Pan Asian cuisine po at dito malalasahan ng mga tao ang pagkain sa countries sa Asia tulad ng Thailand, China, Japan, India, Singapore, Indonesia, Philippines. Ibibigay po natin sa kanilang lahat 'yan," ani Ken.
Samantala, abangers na ang mga RitKen fans sa seryeng Ang Dalawang Ikaw nina Ken at Rita Daniela na malapit nang mapanood sa GMA-7.





Comments