Kung ang iba, nag-ober da bakod na… PRAMIS NI VICE: NEVER KONG IIWAN ANG ABS-CBN!

Julie Bonifacio - @Winner | December 4, 2020

Proud na inihayag ni Vice Ganda ang kanyang loyalty at pagmamahal sa ABS-CBN during the opening spiels niya at iba pang hosts ng It's Showtime last Wednesday.
Sobrang proud kasi si Vice sa kabuuan ng bagong Christmas Station ID (CSID) ng ABS-CBN na may pamagat na Ikaw ang Liwanag at Ligaya, na sa loob lang ng isang araw ay umabot na sa three million views.
Kuwento ng It's Showtime host din na si Vhong Navarro, maaantig talaga ang puso at maluluha ang mga manonood ng ABS-CBN CSID. Inayunan naman ito ni Vice.
"Alam mo kagabi talaga, naiyak ako. Tapos, kausap ko si Tita Cory (Vidanes, ABS-CBN top executive), sobra akong thankful," sabi ni Vice.
Ramdam na ramdam daw kasi talaga ni Vice ang mensahe ng CSID.
"Aminin ninyo, karangalang maging bahagi ng ABS-CBN Station ID na 'yan. At karangalang maging bahagi ka pa rin ng ABS-CBN matapos ang lahat ng pinagdaraanan nito. Nakakakilabot," reaksiyon ni Vice.
Simula raw nu'ng naging host siya ng It's Showtime ay lagi na siyang kasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.
"Every year, isang dekada na nakikita ko 'yung mukha ko sa Station ID. Pero 'yung kagabi ako pinaka-proud. 'Oh, my God. Kasama ako dito,'" excited na pagkukuwento pa ni Vice.
Masasaktan daw siya kung hindi siya naisama sa napaka-heartwarming na CSID.
"Napakahalaga ng Station ID na ito. At ito ay istorya, hindi ba nakaka-touched? Hindi ito istorya ng ABS, ha? Istorya ito ng mga Pilipino, 'di ba?"
Dito sinabi ng isa pang co-host na si Jugs Jugueta na dahil d'yan kaya nag-post si Vice sa Twitter.
Tweet ni Vice last Tuesday, "Isang KARANGALAN ang maging bahagi ng ABS-CBN. Period!"
"(Kaya) Napa-tweet ako ng pagmamahal ko sa ABS-CBN. Kasi mahal na mahal ko naman ang ABS-CBN ever since. Pero mas nari-realize ko each day now, ang lalim pala ng pagmamahal ko sa kanya.
"Hindi pala ito dahil lang sa sinusuwelduhan niya ako. Para ko na talaga siyang magulang. HINDI KO TALAGA SIYA IIWAN, 'di ba?
"Kahit ano pang bagyo, 'di ba? Eh, di sige, isang bagyo tayo together? Tapos, 'pag tag-araw, eh, mag-tag-araw tayo together, 'di ba?
"Ang lalim pala ng pagmamahal ko sa ABS-CBN... tayong lahat," sabi ni Vice.
Akmang-akma rin daw ang title ng bagong Christmas Station ID na Ikaw ang Liwanag at Ligaya.
"Ang taray ng ABS-CBN, kahit binalot siya ng dilim, patuloy pa rin siyang nagniningning. Hindi nawala 'yung ningning niya. Nagbigay pa ng liwanag sa maraming Pilipinong nasalanta, maraming Pilipinong nalulungkot, maraming Pilipinong may pinagdaraanan.
"ABS, salamat dahil nagiging liwanag ka pa rin sa amin. Pinapasok sa mga pinto namin. Kahit minsan, eh, nababawasan 'yung liwanag. Nagliliwanag pa rin siya. Hindi siya tuluyang nawalan ng liwanag.
"(Ang) ABS, duguan na, bugbog-sarado na, pero tina-touch pa rin ang lives nating lahat. Pinagsisilbihan pa rin tayo. And ABS-CBN Christmas Station ID is part of the Philippine Christmas tradition," pahayag pa ni Vice.
O, 'di ba? Manood ng It's Showtime mula Lunes hanggang Biyernes, 12 NN sa A2Z Channel 11, Kapamilya online, iWantTFC at sa iba pang platforms ng ABS-CBN.





Comments