Kung ang anak na si KC, todo-buyangyang… SHARON, NAHIYA NA NAG-HELLO ANG BOOBS SA IG, BINURA

Julie Bonifacio - @Winner | November 3, 2020

Biglang tinanggal ni Megastar Sharon Cuneta ang piktyur na ipinost niya sa kanyang Instagram account kahapon.
Esplika ni Mega, "Dinelete ko na. Huwag na, nahiya ako!!! Hahaha!"
Pero 'di nakalusot sa mga fans ni Mega na laging nakatutok sa kanyang Instagram posts ang ipinost niyang piktyur.
Ang caption ng IG post ni Mega sa binura niyang piktyur ay: "Waaaaaah nagsisi... Na-realize ko SUMISIGAW ANG "FUTURE” (hinaharap...hahaha!) Ayoko nga, baka sabihin, ngayon pa 'ko nag-bold star! Sa mga nag-screenshot, utang na loob, please do not post! Hahaha! Tago sa baul!!!"
Later on, muling ipinost ni Mega ang dinelete na piktyur, pero tinakpan na niya ang sinasabi niyang 'future' (boobs).
Actually, dalawang magkasunod na pictures pa ang ipinost ni Mega, 'yun ay kung saan kasama niya ang two daughters kay Sen. Kiko Pangilinan na sina Frankie at Miel habang pare-pareho silang naka-swimwear at nakasakay sa isang yate.
Eto ang medyo may kahabaan na caption ni Mega sa piktyur ng kanyang two daughters, "(Seems like these were forever ago...) O ayan na. Kahit 'di pa payat, pumapayat naman. Isipin n'yo na lang, ito: 'Maputi s'ya (pwera ankles to feet ko kasi 'yun lang nasisinagan ng araw! Hahaha!), makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag, kahit walang pabango, mabango siya talaga!' Eh, totoo naman. Hahahaha! Sabi ko nga sa unang post ko bago ko dinelete, 'May bagyo naman, so gulatin ko na kayo.' Tandaan n'yo, sabi sa Bible 'Thou shall not judge” ha! Puwede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puwede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po safe kaming lahat!!!"
In fairness kay Mega, bihirang-bihira niyang gawin ang mag-post na naka-swimwear or any photos na may mari-reveal na sensitive part(s) sa katawan niya, unlike her eldest daughter na si KC Concepcion na panay pakita at walang takot sa pagpo-post ng kanyang sexy body.
Sana, may i-post din si Mega na pictures nila nina KC, Miel at Frankie na magkakasama.





Comments