Kumpiskado 12 luxury cars ng mag-asawang Discaya, sana next mansyon at laman ng bank accounts
- BULGAR

- Sep 4
- 3 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 4, 2025

BUTI PA MGA CONG. SA HOUSE TRICOM GINISA SI LUBIANO NA FRIEND NI SP ESCUDERO, SA SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, 'NGANGA' LANG MGA SEN. SA KANYA -- Sa House Tricom (Public Accounts, Public Works and Highways, Good Government and Public Accountability) hearing ay nagisa nang todo at napaamin ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ang flood control project contractor na si Lawrence Lubiano, may-ari ng Centerways Construction and Development Inc. na nagbigay siya ng P30 million campaign fund kay Senate President Chiz Escudero noong 2022 senatorial election.
Buti pa sa House Tricom hearing nagawang gisahin si Lubiano, pero sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ay "nganga" lang sa kanya (Lubiano) ang mga senador, wala kahit isang senador na nangahas gumisa sa kaibigang kontraktor ng Senate president, boom!
XXX
MAITUTURING NA PAG-AARI NG TAUMBAYAN ANG KAYAMANAN NG PAMILYA DISCAYA KAYA DAPAT BUKOD SA LUXURY CARS, KUMPISKAHIN NA RIN ANG MANSYON AT LAMAN NG KANILANG BANK ACCOUNTS -- Kumpiskado na ng Bureau of Customs (BOC) ang 12 luxury cars ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na ilegal na naipuslit palabas ng Customs, at ayon kay Commissioner Ariel Nepomuceno ay hahanapin din nila ang iba pang mamahaling sasakyan ng mag-asawang kontraktor para alamin kung legal o ilegal din na naipasok ang mga ito sa bansa.
Ngayong hawak na ng Customs ang 12 luxury cars na ito, sana ay forthwith o agad-agad gumawa ng aksyon ang Marcos administration para kumpiskahin na rin ang mansyon at laman ng bank accounts ng pamilya Discaya dahil ang mga kayamanan nilang ito ay maituturing na pag-aari ng taumbayan dahil obvious na nagmula ang mga ito sa kaban ng bayan, mula sa higit P30 billion naraket nila sa mga flood control project ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH), period!
XXX
FLOOD CONTROL PROJECT SCAM, TULAD DIN NG PHARMALLY SCAM NOON, MGA KONTRAKTOR NA WALA PANG P1M PUHUNAN NAKAKAKOPO NG BILYUN-BILYONG PISONG KONTRATA SA GOBYERNO -- Maihahalintulad ang nabulgar na flood control project scam ngayong panahon ng Marcos administration sa nabulgar din na Pharmally scam sa panahon naman ng nakaraang Duterte administration.
Sa flood control project scam basta’t may konek sa mga ‘kurakot’ sa DPWH magkakaroon ng bilyun-bilyong pisong proyekto kahit na ang puhunan lang ng kumpanya ay wala pang P1 million, tulad ng MG Samidan Construction and Development Corp., na ang puhunan base sa record ng Securities and Exchange Commission (SEC) ay P250K lang pero nakakopo ng higit P5 billion flood control project. Ganyan din ang Pharmally Pharmaceutical Corp. na ayon sa record ng SEC ay P650K lang ang puhunan, at dahil may konek ito sa Dept. of Budget and Management (DBM) at Dept. of Health (DOH), nakakopo ng higit P11B kontrata sa mga medical supplies noong panahon ng pandemya.
Patunay iyan na sandamakmak ang mga ‘kurakot’ sa mga ahensya ng pamahalaan at mga mangraraket na kumpanya sa ‘Pinas, boom!
XXX
NGAYONG SI GEN. LUCAS NA ULI ANG RD NG PNP-REGION 4-A, MAGAWA NA KAYA NIYANG LANSAGIN ANG ‘PROTECTION RACKET SYNDICATE’ AT ‘OIL PILFERAGE SYNDICATE’ SA CALABARZON? -- Muling naitalaga sa kanyang dating puwesto bilang Regional Director (RD) ng PNP-Region 4-A si Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas.
Si Gen. Lucas ay unang naitalaga bilang RD ng PNP-Region 4-A na ang sakop ay mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) at natanggal siya rito noong June 2025, naitalaga siya bilang acting deputy director for administration ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Sa tagal ng panunungkulan noon ni Gen. Lucas sa PNP-Region 4-A ay hindi niya nagawang lansagin ang “protection racket syndicate” nina "Tsan Parak," "Tata Obet," "Adlawan," “Dimapeles”, "Rico," at "Jong" sa buong CALABARZON at "oil pilferage syndicate" nina "Dondon Alahas," "Violago," "Amang" at "Aldo" sa Batangas at Cavite.
Ngayong si Gen. Lucas na uli ang RD ng CALABARZON, tingnan nga natin kung mabubuwag na niya ang mga sindikatong ito sa kanyang jurisdiction, abangan!







Comments