top of page

Kumpanya na 10 pababa ang empleyado, ‘di obligadong magbigay ng Holiday Pay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 1, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 1, 2023



Dear Chief Acosta,


Ako ay isang empleyado ng isang tindahan na hindi nakatatanggap ng Holiday Pay. Samantala, ang aking kaibigan na nagtatrabaho sa isang supermarket ay nakakatanggap nito. Humingi ako ng Holiday Pay sa aking amo, pero tumanggi siyang ibigay ito dahil lima lang ang empleyado niya sa tindahan.

Makatwiran ba ang hindi pagbibigay niya sa akin ng nasabing benepisyo? –Sheshe



Dear Sheshe,


Nakasaad sa Artikulo 94 (a), Kabanata III, ng Labor Code of the Philippines kung kailan ang isang empleyado ay hindi karapat-dapat para sa Holiday pay. Ayon dito:

“Article 94. Right to Holiday Pay – (a) Every worker shall be paid his regular daily wage during regular holidays, except in retail and service establishments regularly employing less than ten (10) workers.

(b) The employer may require an employee to work on any holiday but such employee shall be paid a compensation equivalent to twice his regular rate; and

(c) As used in this Article, “holiday” includes: New Year’s Day, Maundy Thursday, Good Friday, the ninth of April, the first of May, the twelfth of June, the fourth of July, the thirtieth of November, the twenty-fifth and thirtieth of December and the day designated by law for holding a general election.”


Sa pangkalahatan, bawat manggagawa ay dapat bayaran ng kanyang regular na pang-araw-araw na sahod sa panahon ng regular holidays, maliban sa mga tingian at nagbibigay serbisyong mga establisimyento na regular na nag-eempleyo nang wala pang sa 10 manggagawa.


Samakatuwid, batay sa iyong salaysay at nabanggit na batas, makatwiran ang hindi pagbibigay sa iyo ng holiday pay dahil lima lang kayong empleyado sa tindahan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page