top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Kumanta na totoong bully daw… DAMIT NI HEART, NILAIT NG MGA “EMPOWERED GIRLS”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 18, 2026



BIDA - DAMIT NI HEART, NILAIT NG MGA “EMPOWERED GIRLS”-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



May pa-blind item si Heart Evangelista nang mag-guest sa vodcast na Your Honor (YH), hosted by Chariz Solomon and Buboy Villar. Wala siyang tinukoy at wala ring clue sa tinawag niyang ‘empowered girls’.


Sey ni Heart, “Sometimes, mga girls na empowered, sila pa ang masama. Sila ang nanlalait sa akin. Sa isang event, may bumati sa akin at sabi, ‘I love your dress and it’s for sale. Bakit, naka-Schiaparelli ka ba?’ Sila ang mga totoong bully. No matter how successful you are, matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo. 


“Naniniwala ako na kung sino ang makakasalubong mo sa itaas, sila rin ang makakasalubong mo pagbaba mo.”


May paalala pa si Heart sa ating lahat. Matuto raw tayong magpasalamat sa mga nakakatulong sa atin sa maliit o malaking bagay man. 


Aniya, “Kung magte-thank you ka sa waiter, tumingin ka sa kanilang mga mata at ‘wag kayong bully.”


Isa pang pinuna ni Heart ang mga influencers. 


Aniya, “‘Di ko ma-take kasi ‘yung ibang influencers kung umasta... Ang yabang mo, sis! Ang yabang mo! I hate that! I don’t like entitled people.”


Walang binanggit na pangalan si Heart, kaya kung sino na lang ang mag-react, sila ‘yung tinukoy niya.


Maaalalang kamakailan, may influencer na kinol-out ng mga fans ni Heart dahil parang may pa-shade sa aktres at may binanggit na ‘clean money’.


May nabanggit pa si Heart kung paano makikilala ang real friends. 


Aniya, “When you reach, sometimes, the ultimate high of success, du’n mo mararamdaman kung sino talaga ang mga kaibigan mo.


“Because you will see who is truly happy for you or you will feel who is someone that’s trying to set you up to fail.”


Oh, ‘di ba, sunud-sunod ang pasabog ni Heart? Nakatulong talaga sa kanya ang pagiging host ng The People Have Spoken (TPHS). Naging mas open siya to express what she feels, laging quotable ang mga hirit niya at masarap isulat.





AFTER Sharon Cuneta na kasama ni Barbie Forteza sa series na Honor Thy Mother (HTM) to stream on Prime Video on September 11, si Maricel Soriano naman ang nakatrabaho niya, pero sa vlog pa lang nang mag-guest siya sa channel nito.


Aniya, “Getting to work with the people I’ve always looked up to will always energize me to keep giving my best, no matter what.


“Watch out for our vlog soon on Ms. @officialmaricelsoriano’s YouTube channel.”

Sayang at limited ang puwedeng mag-comment sa post na ito ni Barbie sa Instagram (IG) dahil paniguradong marami ang magko-comment. Marami rin ang magtatanong kung kailan sila magkakasama ni Maricel sa movie o sa TV show.


Lalo na at si Barbie ang sinabing isa sa mga aktres na kaliga ni Maricel na magaling sa drama at comedy.


Samantala, palabas na ang trailer ng HTM at ang husay nina Sharon at Barbie. ‘Yun bang trailer pa lang, gusto mo nang mapanood at subaybayan mula sa first episode hanggang matapos.





Proud na proud sa ipinalit kay Jeric…

RABIYA, TODO-FLEX SA BF NA SI JAKE



LAST week, si Jake Cuenca ang nagpahayag ng pagiging proud sa girlfriend na si Rabiya Mateo sa first day nito sa University of Santo Tomas (UST) kung saan naka-enroll si Rabiya ng Medicine.


Ngayon, si Rabiya naman ang proud sa BF dahil sa successful opening ng stage play na People, Places & Things (PPT).


Post ni Rabiya, “I am so proud of you. I know how much hard work, passion, and dedication you poured into this play, and seeing you finally take that bow fills my heart with so much joy. 


“Congratulations, Baby (Jake). You were incredible.”


Masaya sa kanilang relasyon ang dalawa. May mga bitter at bashers lang na hindi masaya for them. Bago pa lang ang relasyon nila, may nag-abang na kung kailan sila maghihiwalay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page