top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kumalat sa socmed… JANINE, TODO-DENY NA TINAWAG NA DUGYOT SI BBM

BULGAR
Oct 18, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 18, 2021




May tweet diumano ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez kung saan sinabihan daw nitong ‘dugyot’ ang isa sa mga tumatakbong presidentiables na si Bongbong Marcos.


“Yuck. Baskil. Maraming ninakaw sa bayan, pero dugyot,” ang diumano’y laman ng tweet ni Janine.


Ang message ay ipinadala sa Twitter account ni @LolaBashangKowts.


Kaya naman ayon kay @LolaBashangKowts, “Anyone na magpapakita sa ‘kin na nag-tweet talaga nang ganito si Janine? Husayan n’yo.”


Sinagot kasi ni Janine ang nasabing tweet kung saan idinenay ito ng anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.


Ani ng lead actress sa Marry Me, Marry You, “Hey everyone! This is fake. I never tweeted this. Kung kilala n’yo ‘ko, hindi ko naman talaga katunog ito.


“Hindi tayo mababaw. Hindi importante ang hitsura o panlabas na anyo ng isang pulitiko. Du’n tayo sa facts lang, lalo na ngayong eleksiyon.


“Mag-ingat sa fake news, guys!”


Ayon naman sa mga netizens…


“Simula na ng pagiging toxic ng socmed. Lahat ng platforms, hindi pinatawad, pati Tiktok, nagkalat ang mga mukha ng mga kandidato.”


Suggestion naman ng isang netizen, “I unfollowed friends who kept posting political stuff. Nakaka-stress sila. I will follow them again kapag tapos na ang kaguluhan. I’d rather research the candidates to help me decide than listen to all the noise at pag-aaway sa socmed.”


“In case you didn’t know, Tiktok is the most toxic. Daming fake news.”


“Parang kahapon lang nagra-rant si Bianca na nakakabahala raw ang pagmumura online.”

May point naman si Bianca dahil mga bata ang nagti-Tiktok. Hindi lang pagsasayaw ang kanilang ina-upload kundi pati ang malulutong nilang pagmumura.


Nakakatuwa bang marinig ‘yang mga f…k you o P.I. mula sa bibig ng mga batang paslit?

Dapat ang mga ganyang upload na mula sa mga menor de edad ay bina-block na ng Tiktok administrator.


Hope na makarating sa kinauukulan ang aming suggestion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page