top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kumalat, nag-away sa hotel… BARBIE, IBINULGAR KUNG BAKIT MAY PASA AT MAY INJURY SA KAMAY SI DIEGO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2021
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 27, 2021





Finally ay nagsalita na si Barbie Imperial sa mga isyung ibinabato sa relasyon nila ni Diego Loyzaga.


Matatandaang sunud-sunod ang mga matitinding rebelasyon ni Xian Gaza tungkol sa magdyowa na talaga namang nakakagulat. Kaya naman matapang na sinagot itong lahat ni Barbie.


Isa nga sa isyung ibinato sa kanila ay nagkaroon daw sila ng matinding away ni Diego sa hotel, dahilan para magkaroon ang aktor ng injury sa kamay.


“Walang katotohanan ang sinabi ng tao na ‘yun kahit isa. So, parang kami, ‘Ito ang nangyari sa kamay ko, ganito, ganyan. Kasi ‘yung kamay ni Diegs, sa gym talaga siya nangyari and ako mismo nagdala sa hospital sa kanya. So, ang labo talaga. Sobrang na-trigger na ako,” pahayag ni Barbie sa Push Bets Live.


Para kay Barbie, unfair naman daw na akusahan si Diego.


“Kasi ang labo talaga na ipagko-connect mo lang ‘yung photos, tapos may ganito lang sa hand, may pasa. Bakit? Hindi ba ako puwedeng magkapasa sa ibang bagay? Bakit ‘yung boyfriend ko lang na sobrang mabuti, sobrang bait, sobrang tini-treat ako nang maayos, bakit siya ‘yung paghihinalaan na ginawa niya ‘yun sa akin?” sabi ni Barbie.


Pero nilinaw din naman niyang hindi naman sila naapektuhan ng mga intrigang ito.


“So, kami ni Diego, hindi na kami naapektuhan. Hindi namin hinayaan na maapektuhan kami. Kasi totoo naman po. Masaya kami, eh. And ‘yung family namin, sobrang sinu-support kami,” she said.


Ayon pa sa aktres, naaawa raw sila sa taong naninira sa kanila.


“So, parang na-realize na lang namin na kawawa naman ‘yung taong sumisira sa atin. Parang ganu’n kalungkot ‘yung buhay niya para siraan kami at para idamay kami sa lungkot ng buhay niya,” sey ni Barbie.


“Pero wala, nagte-thank you pa kami sa kanya kasi mas naging strong pa ‘yung relationship namin after nu’ng nangyari,” sambit pa ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page