Kumalat na hiwalay na… LIZA AT ENRIQUE, KANI-KANYANG BAKASYON
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | May 24, 2022

May umiintriga na hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano dahil hindi sila magkasama ngayon.
Si Enrique ay nasa Spain kasama ang buong pamilya para magbakasyon samantalang si Liza naman ay nasa Amerika kasama ang kapatid.
Kuwento ng manager niyang si Ogie Diaz sa YouTube channel na Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay nagpa-iwan si Liza dahil gusto niyang bumoto nu’ng nakaraang May 9. Umalis kasi sina Quen before election day.
Pero bago naman umalis ang aktor ay nag-dinner date raw muna sila ni Liza kaya walang katotohanang hiwalay na ang LizQuen na anim na taon na ang relasyon.
Samantala, kaya naman nasa Amerika si Liza ay dahil may inaasikaso raw ito roon, ayon sa manager niya, na hindi pa nito binanggit kung ano pero nadulas na may project sila ni James Reid at hayaan na lang na ang dalawa ang mag-announce.
Nakita namang dumalo sina James at Liza sa Gold House’s 1st Annual Gold Gala sa Los Angeles mula sa IG post ni @sthanlee.
At nag-post din ang aktres sa kanyang Instagram account kagabi ng mga larawan niya at kasama si James.
Ang caption niya ay, “Had a great time at Gold House’s 1st Annual Gold Gala in Los Angeles. Representing the Philippines in @anthonyramirezdesigner @tesserajewelry and @neilfelipp
"Styled by @perrytabora "Make-up by @pircillapae "Hair by @chousner
"Shot by my good friend @sthanlee #GoldGala #GoldHouse #GoldHouseGala #GoldCarpet.”





Comments