KRIS, NAKIPAGHIWALAY KAY VG MARC DAHIL KAY SUNSHINE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 12, 2023

May kumakalat na tsikang pinagselosan daw ni Kris Aquino si Sunshine Cruz na nababalitang bagong nililigawan ni VG Marc Leviste kaya raw nagdesisyon na si Kris na putulin ang ugnayan nila ng boyfriend.
Bukod pa rito, ikinagalit din daw ni Kristeta ang naka-post na larawan ni Marc sa Instagram account nito na kasama ang kanyang mga ex-BF na sina Phillip Salvador at Robin Padilla.
Para kay Kris, napaka-insensitive ni Marc na nagawa pang i-post ang nasabing larawan sa social media.
'Yun namang isyu sa panliligaw niya kay Sunshine Cruz ay itinanggi ni VG Marc. Fake news daw ito at wala siyang niligawang iba bukod kay Kris Aquino.
At kahit nakipag-break na sa kanya si Kris at binawalan na siyang lumapit at makipagkita rito, hindi raw basta susukuan ni Marc ang mommy nina Joshua at Bimby. Gagawin niya ang lahat upang suyuing muli si Kris. Dadamayan niya ito at hindi iiwanan.





Comments