KRIS KAY MEL: ANG TANGA KO LANG KUNG PAKAWALAN PA KITA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 29, 2021

Ininterbyu ni Bimby ang inang si Kris Aquino at fiancé nitong si former DILG Secretary Mel Sarmiento na ipinalabas sa Instagram account ng TV host.
Unang tanong ni Bimby, “When and how did you first meet?"
Sagot ni Mel: “In Malacañang.”
Pagkontra naman ni Kris, “No, sa Bahay Pangarap.”
Ayon naman kay Mel, “Former President Noy introduced me to her.”
Sey naman ng fiancée nito, “We would rode in the same helicopter, kuwento ako nang kuwento sa kanya, hindi ako pinapansin…he ignored me, samantalang most people 'pag kinukuwentuhan ko, natutuwa sila. Siya (referring to Mel), one answer and really short answer…Nasabi ko sa staff, ‘Shy ba talaga siya?’ and then I said ‘I don’t think naman he’s gay.’”
Pag-amin naman ng dating kalihim, “Siyempre, crush ko, tapos biglang nasa harap mo… tapos boss ko pa kuya niya… Nu'ng nasa tabi ko na siya, hindi ako makapagsalita.”
“Star struck and at the same time, takot din sa kuya niya,” dagdag pa nito.
Parang stalker pa nga raw si Mel dahil one time sa SONA ni P-Noy ay kinuhanan niya ng picture si Kris kasama si Bimby. Nasa isang tabi lang daw si Mel noon.
Sambit niya, “Opportunity na 'yun na makunan ng picture.”
May time pa raw na sa isang lunch, pinaupo siya ni Noynoy sa tabi ni Kris, pero papaano naman daw siya makakakain sa sitwasyong 'yun?
Sa tanong kung paano sila nag-reconnect, si Kris ang sumagot.
“Remember, there was a kidnap threat against us nu’ng 2016. My agenda was to find out the real details because I felt that Tito Noy had given us a cleansed version.
"So, I felt kung mape-friend ko siya, mapipilit ko to tell me the truth.”
Sinabi naman daw ni Mel ang totoo at doon na nagsimula ang pagiging magkaibigan nila at laging pag-uusap.
"Hindi ko na ibibigay ang full details because that’s a matter of national security," sabi ni Kris.
“But he started to visit here more often because it took the third dinner to finally talk.”
Pagkatapos daw nu'n, panay na ang punta ni Mel kina Kris.
Pumunta pa nga raw si Mel sa puntod ni Noynoy para kausapin ito.
Gusto raw niyang kontrolin ang sarili dahil baka raw magalit sa kanya si P-Noy kaya nag-sorry siya rito.
"Pinilit ko na ikontrol ang sarili ko, pero wala, eh, iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya,” sabi pa ng fiancé ni Kris.
“Tito Mel, how did you know that mama is the right for you?" tanong ni Bimby.
“'Yung nararamdaman ko I’m so happy, ang hirap i-explain, pero sinasabi ko sa sarili ko na ‘siya’. Sabi ko, heto na 'yun."
Masaya raw siyang nagtatrabaho dahil in love kay Kris.
Kuwento naman ni Kris, “We had dinner with his two sons. I said sorry to them that they weren’t able to see their dad as often. They said, 'Thank you.’"
Ngayon lang daw kasi nakitang ganu'n kasaya ng mga anak si Mel.
Naiyak naman daw si Kris nang pasalamatan ng mga anak ni Mel.
Tanong ni Bimby, "Mom, how did you feel when he asked you to marry him?"
“I would spare him the embarrassment of saying what happened. But I’ll say na what you told me, parang it left such a big impression on me.
“When you said na ‘Mama, you must really love him,’ because you always said na in this house, there can be only one drama queen and that’s me but allowed him to be a drama king," kuwento ni Kris.
“You know I realized, I have blackmailed Tito Mel,” sey naman ni Bimby.
Ayon pa kay Kris, dahil sa pandemic at naka-quarantine sila kaya nagkakilanlan silang mabuti ni Mel.
"How did you make lambing to him?" tanong uli ni Bimby.
Ang sagot ni Kris, “Because Bim, out of the blue, he just kissed me… Ang lakas ng loob."
Nakakatuwang sabi ni Mel, hindi naman daw tumanggi si Kris nang halikan niya.
At sa tanong kung ano ang gusto nilang sabihin sa isa't isa, diretso ang sagot ni Mel, “Aalagaan kita at kasama mo ako sa buong buhay mo."
Sabi naman ni Kris, “For the longest time… kasi si Kuya (Josh) has chosen to be independent with his life, it really matters to me that the man I would end up with will also love Bimb.
“The fact na you showed me talaga na… with no hesitation that you ready to step in… and the fact that you try your best to make me happy.
“I really feel how much you love me… that’s why, ang tanga ko lang kung pakawalan pa kita.
“Ako, madali sa akin ang mag-express ng sarili. I love you and I love you with all my heart.
“I can no longer live my life without you.”
"Whatever is left in my life.. you have!!!"
Sa interbyu, kapansin-pansin na may mga suot na singsing si Kris.
Ibinahagi niya kung kani-kanino galing ang mga rings na suot.
Aniya, isa ay galing kay P-Noy, the other one ay mula naman sa sisters niya at ang isa ay mula sa ina. At ang huli, ang engagement ring nila ni Mel.
Huling sabi ni Kris, “I have never felt this peaceful and thanks to you,” pasasalamat niya kay Mel.
Sabi pa ni Kris, talagang super private si Mel, kaya mensahe niya sa mga fans nila ni Bimby,
“I cannot promise you anymore after this kasi, eto lang ang ini-request ko sa kanya. The details of our wedding will be kept to ourselves private. Ia-upload na lang namin kapag tapos na.”





Comments