top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

KRIS, IPINAGSIGAWANG ATAT NANG MAGING MRS. SARMIENTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2021
  • 3 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 26, 2021





Looking forward na si Kris Aquino na maging Misis Sarmiento.


Inanunsiyo niya sa kanyang Instagram account na engaged na sila ni former DILG Secretary Mel Sarmiento.


"I guess to say as much as I am proud to be an Aquino, looking forward na 'kong maging Sarmiento,” pagbubulgar ni Kris sa kanyang IG.


October 24 nang i-post ng Queen of All Media ang bagong yugtong tatahakin sa buhay.


Habang ibini-video ang engagement announcement ng dalawang prominenteng personalidad ay parang nagtalo pa sila kung sino ang mauunang magsalita sa video.


Sabi ni Kris sa kanyang fiancé, ito ang maunang magsalita. Ang gusto yata kasi ni Mel ay si Kris ang mauna.


“Ano'ng ikaw ang mauna, this is rolling!” sey ni Kris.


Sagot ni Mel, “Hindi ako pang-showbiz, eh!”


Sa caption ng video, sinabi ni Kris na pinagdiskusyunan pa nila ni Mel at talagang pinag-isipan niya bago ibahagi ang parteng ito ng kanyang buhay.


Marami na raw kasing nagtatanong at nangungumusta sa kanya dahil nawawala siya sa sirkulasyon.


many stressful events” na nangyari sa kanya simula nu’ng kalagitnaan ng Agosto.


Nag-umpisa siyang manamlay magmula nang pumanaw ang kanyang nag-iisang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino.


Pero ayon kay Kris, sinigurado ng kanyang kuya na may magbabantay sa kanyang “bunso.”


Tinawag niyang “matchmaker in heaven” ang yumaong kapatid dahil ito ang naging daan kaya sila nagkakilala ni Mel.


“It’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw niya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan niya.


“Somehow I believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- I can almost hear his voice telling me, ‘Kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.’ And finally, ‘bunso’ has learned to obey.”


Ang sumunod niyang sinabi ay patungkol na sa fiancé na tinawag niyang "best friend".


Caption ni Kris, “To my best friend and the man I said yes to spending the rest of my life with, thank you for as Bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful I feel now that you’re here.”


Nagpasalamat din siya sa pagiging tulay ng kanyang Kuya Noy sa kanila ni Mel.


"We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na siya, ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan, gagawa talaga siya ng paraan na ma-assure kami nina Kuya Josh at Bimb kung gaano niya kami kamahal at hindi talaga siya papayag na ma-feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.


“But THANK YOU, you must have known how broken I’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nu'ng hindi ko hinahanap o inaasahan — kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time.”


Sa huli, sinabi ng TV host-actress na mananatiling pribado ang kahit anong tungkol sa kanilang personal na buhay ni Mel.


“We agreed, what’s personal shall remain private, so hanggang dito lang ang puwede kong ma-share."


Wala pang ibinigay na detalye si Kris kung kelan ang plano nilang magpakasal ng former DILG secretary.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page