top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KRIS, IBINULGAR NA MAY MGA TIRADA SA KANYA SI VG MARC, NA-SCREENSHOT PA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | November 25, 2023




Ayaw ding pakabog ng hiwalayang Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Marc Leviste among famous celebrity couples na nababalitang naghiwalay.


Sa recent Instagram post ay dinispute ni Kris ang statement ni Marc sa caption.


Part of Marc’s statement sa caption na pinalagan ni Kris ay nu’ng itsinika ni Vice-Governor ang ‘chummy-chummy-han’ daw ni Kris with his mom and their respective children.


Caption ni Marc, “Gusto naming magpasalamat ng aking pamilya kay Batangas City Councilor @macaraigandrea sa matagumpay na pag-nominate kay Ronin. Gayundin, ako ay nagpakumbaba na kumatawan kay Ronin sa Gabi ng Parangal at tanggapin ang tropeo sa ngalan niya dahil siya, si Coun. Andrea, ang aking bunsong anak na si @conradoleviste at ang aking ina na si @patsieleviste ay kasalukuyang nasa United States para ipagdiwang ang Thanksgiving kasama si @krisaquino.


“I am very excited for Ronin and mama to spend time with the Queen at her new home and I'm glad din na C2 is reunited with Kuya Josh and Bimb. Pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig! SALAMAT, LORD.”


Mabilis na kinontra ni Kris ang mga sinabi ni Marc.


Say ni Kris, “Pasensya na, alam kong hindi ito ang feed ko… pero niloloko mo ang mga tao. Hindi dapat maging collateral damage ang mga anak natin dahil pinili kong tapusin ang relasyon natin.


Palagi nila akong tinatrato nang mabait at dapat kitang purihin, dahil hindi lang matalino si Ronin kundi responsible at mahabagin.”


With regards to Marc’s mother, hindi pa pala ito na-meet ni Kris.


“Inaasahan kong makilala ang iyong ina. Marc, we shared beautiful memories and if only for that and my decision to stay private because what’s done is done, I will not post the screenshots of your tirade against me just a few hours ago, considering I had both Dupixent & Methotrexate today,”


pagbubulgar ni Kris.


Hala, bukelya ni Kris na may paninira sa kanya si Marc? Ito kaya ang dahilan kaya tuluyan nang nakipaghiwalay si Kris sa kanya?


Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin niya si Marc at ini-reveal ang saktong petsa nu’ng inisplitan niya ito noong November 3.


“Nananatili akong nagpapasalamat sa lahat ng oras na ginugol mo sa pagsisikap na makasama ako ngunit naabot ko ang aking pagtatapos noong Nob. 3, 2023. Pagpalain ka nawa ng Diyos at tulungan ka,” huling mensahe ni Kris kay Marc.


Ano kaya ang reaction ni Marc dito? For sure, “love… love… love” pa rin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page