top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

KRIS, AYAW TANTANAN NG KAMALASAN KAHIT 2021 NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2021
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 15, 2021




Patuloy na inaalat si Kris Aquino at hindi maalis-alis ang bad vibes na kumapit sa kanya noong 2020.


Last year ay maraming projects na nawala sa kanya at naudlot na naman ang pagbabalik-telebisyon niya. Kahit ‘yung last time na ang mga kapatid na niya ang magpo-produce ng kanyang talk show ay nabulilyaso rin at hindi natuloy, kaya nag-give-up na si Kristeta at hindi na umasa pa na magkakaroon uli siya ng talk show.


Kahit pa magaling na ang humahawak at nagma-manage ng kanyang career ay wala pa ring milagrong nagawa upang baguhin ang kapalaran ni Kris. Mabuti na lamang at may ilan pa siyang malalaking endorsement katulad ng Shopee na buo ang tiwala na epektibo siyang endorser.


Birthday ni Kris kahapon (February14) at may ipinangako siya sa kanyang mga fans at followers sa Facebook at Instagram. Ang kaso, nagkaproblema ang FB account ni Kris at nabura ang mga messages sa kanya kung saan pipili sana siya ng mga fans/followers na bibigyan niya ng P5,000 each.


Todo-pakiusap si Kris sa FB na ibalik ang kanyang mga posts para matupad niya ang kanyang pangako.


Bago rin nagkaproblema ang FB account ni Kris ay nadisgrasya at nasugatan ang kanyang paa ng rose quartz na inilagay niya sa kanyang bathtub bago naligo.


Mahilig kasi sa mga charms at ritual si Kristeta at isa nga rito ang paglalagay ng rose quartz sa bathtub bago siya naligo. May epekto raw ito sa kanyang kalusugan pero sa halip na positibo ang mangyari, nasugatan pa ang kanyang paa.


Payo tuloy sa kanya ng ilang nagmamalasakit ay kalimutan muna niya ang kanyang mga rituals na ginagawa para hindi siya nadidisgrasya. Puwede rin na huwag gaanong dumepende si Kris sa mga gamot niya at sa halip ay subukan niyang makihalubilo sa mga ordinaryong tao para lumakas ang kanyang immune system. Mahirap din kasi ang sobrang linis ng kapaligiran, nawawala ang mga antibodies kaya mabilis siyang kapitan ng sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page